PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zanjoe hindi lovelife ang pakay kay Bela!

Bela Padilla

Baka friends zone na lang ang da­ting magkaparehang sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Kaysa magligawan, mas gusto ni Zanjoe na makipag-collaborate kay Bela para makagawa rin ng kuwento na pampelikula. Baka nga dito ay magsimulang makilala ang tandem nila na taga-gawa ng script. Baka dito nga magkahawig o magkatugma ang vibes nila at hindi sa tawag ng pag-ibig. 

Xander kailangan nang busalan!

Sino ba ang nagsabi na kailangang simulan ng tama ang isang bagay para magtapos ito ng tama rin? Sino man siya dapat ay gawing panuntunan ito ng retokadong si Xander Ford, kung gusto niyang magpatuloy ang kanyang karera bilang artista.

Sa hindi magandang pagsisimula niya ay sunud-sunod na kapalpakan ang namalas sa kanya. Gumanda nga ang hitsura niya, pero kung masama naman ang pag-uugali ay wala ring mangyayari. Magkakaroon at magkakaroon ng dahilan para hindi siya pagkatiwalaan ng proyekto at iwasang makatrabaho ng maraming artista.

Matapos ang pagpi-feeling star niya ay si Kathryn Bernardo naman ang ininsulto niya. Tinawag niya itong sakang na kung totoo man ay hindi na pinag-uusapan pa. Tinangka pa itong gawan ng damage control ng namamahala ng karera ni Xander, pero paano nila maitatanggi ang isang pangyayari na napanood sa video? Kahit ang pagso-sorry niya ay hindi sapat para mapayapa ang damdamin at galit ng napakaraming tagasubaybay ng aktres.

Mahihirapang maka-recover si Xander na maituturing na isa sa kakaunting artista na kailangang munang mag-isip ng makalawa bago magsalita.

Busalan na siya nang tuluyan para tumahimik sa harap ng publiko. Tsk. Tsk. Tsk.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lotlot matigas pa sa bato ang puso

Hindi man kumpleto ang kasiyahan ni Nora Aunor sa kanyang ika-50th anniversary sa showbiz sa hindi pagdalo ng mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez, andun naman sina Ian at Matet de Leon to compensate for the absence of Balot. May mga kaibigan din si Nora na taga-showbiz na hindi nakalimot sa kanya tulad nina Maricel Soriano, Cocoy Laurel, at Mother Lily Monteverde.

Kailan kaya isasaisantabi ni Lotlot ang kinikimkim na tampo sa kanyang adoptive mother? Sa kanya na kaya manggaling ang pagbabati nila. Huwag naman siyang masyadong matigas at patawarin na ito sa anumang dahilan ng pag-aaway nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: