PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Joshua nagpapaaral ng ate, suportado rin ang pamilya

Joshua Garcia

Ibang pressure raw ang nararamdaman ngayon ni Joshua Garcia bilang isa sa mga bida sa teleseryeng The Good Son. Ayon sa aktor ay nakadagdag ng pressure sa lahat ng cast ang pagkakalagay ng serye sa Primetime block ng Kapamilya network.

“‘Yung buong team sobrang pressured kami. Supposedly kasi Kapamilya Gold kami, tapos nabago, biglang nabago na Primetime na. ‘Yung pressure na ‘yon gagamitin namin para mas ma-motivate kami na galingan namin. Kasi ang daming nakakapanood no’ng oras na gano’n. Nakikita ko sa buong team na pressured kami pero hindi namin hinahayaan na maapektuhan ‘yung work namin, ‘yung arte namin. Nakikita ko pa rin ‘yung effort talaga. Kapag nagpadala kami sa pressure baka maapektuhan lang din ‘yung show namin,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Malaking-malaki ang pagkakahawig ng karakter ng aktor bilang si Joseph Buenavidez sa serye at sa totoong buhay. “Ako ay si Joseph, isang mabait na anak. Very protective ako sa family ko lalung-lalo sa nanay ko, sa lola ko. Gagawin ko lahat para sa kanila. Feeling ko nga kaya ng character ko pumatay para lang maprotektahan sila. Ako ‘yung nagpo-provide ngayon para sa pamilya ko. Pinapaaral ko ‘yung ate ko. Feeling ko dagdag points ‘yun na good son ako, ‘yung emotionally ipaparamdam ko sa kanila. Hindi kasi kami buo. Separated ‘yung papa ko at saka ‘yung mama ko,” pagbabahagi ng aktor.

Maxine hindi pamilyar sa sasalihang pageant ni Winwyn

Kabilang sa pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted si Maxine Medina. Hindi raw nahirapan ang beauty queen sa pag-arte sa nasa­bing horror film dahil talagang matatakutin ang dalaga sa totoong buhay.

“Kasi po simula pa lang no’ng bata kami, mahilig na kaming mag-story telling lalo na ‘yung mga nakakatakot. ‘Yung mommy ko, lahat ng magkakapatid, na-experience nila sa bahay ng lola ko sa D. Tuazon. So ‘yung story na ‘yon kasi cemetery ‘yon before, pero pina-bless na rin. Tapos fifty years na rin ‘yung bahay, matagal na,” kuwento ni Maxine.

Samantala, nagbigay ng pahayag ang Binibining Pilipinas-Universe 2016 tungkol sa nalalapit na laban ni Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamericana pageant na gaganapin sa Bolivia. “Ang dami-daming Pilipina na magaganda, matatalino, mas magagaling kaysa sa ibang countries na girls. We should be proud of her na sasali siya sa ganitong pageant. Although I’m not familiar with this pageant. Kahit ano’ng pageant pa ‘yan, basta I’m all the way to support a Filipina. Kahit sino’ng ilaban mo na Filipina sa lahat ng pageant, nakakapasok. Iba ang beauty ng Filipina. Iba ang galing talaga natin. Naa-appreciate ng buong mundo,” makahulugang pahayag ng beauty queen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: