PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Malditang aktres walang pinipiling babarubalin!

Kahit pa siguro maligo sa drum-drum na pulot ang isang pamosong aktres para mabago ang kanyang imahe ay walang magaganap na milagro hanggang hindi sinsero ang kanyang pagbabago.

Kilalang-kilala ang female personality na ito sa pagiging maangas. Ang kanyang kamalditahan kapag ipinanglaban niya sa contest ay siguradong siya ang mananalo. Walang iba, siya lang, dahil wagas na wagas ang kanyang kamalditahan.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang makatrabaho siya ng mga friends ko para sa isang TVC, e, nagulantang silang lahat. Totoo raw pala ang mga kuwento ng kamalditahan ng babaeng ‘yun!

“Kunwari, rehearsal take na sila, sinusukat na ang anggulo niya at blocking. Binabarubal niya ang assistant director. Kung anu-anong pamimilosopo ang mga pinaggagagawa niya.

“Kunwari, e, may itinatanong sa kanya ang AD, hindi siya sumasagot nang maayos, pabarubal ang mga sinasabi niya. Natural, pigil na pigil ‘yung tao, pero siyempre, naglalabas siya ng sama ng loob sa mga kasamahan niya,” umpisang kuwento ng impormante.

Palasak na ang mga kuwentong-airport tungkol sa female personality. Marami na siyang naisnab du’n, marami na siyang natalakan, ibang klase siya talaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Marami siyang kaartehan para lang hindi siya malapitan ng mga may gustong makipag-selfie sa kanya. Nagkukunwari siyang tulog, kunwari, e, may kausap siya sa phone kahit wala naman.

“Sino naman kasi ang maniniwala na may kausap siya, e, naririnig ng mga nakapaligid sa kanya ang tunog kapag may nagti-text sa kanya? May kahinaan din ang ulo niya, promise! May kausap pala siya, pero naririnig ang mga text niya, lokohan ‘yun, ‘di ba naman?

“At ang the height, sobra ang pagiging feeling niya! Nu’ng minsang may nagsabi sa kanya na ang ganda niya, e, wagas niyang sinabi na obvious daw naman ‘yun!

“Nakakaloka siya! Talagang kapos siya sa kagandahang-asal. Ewan kung paano siya natatagalan ng karelasyon niya na educated naman!

“Maldita na siya, e, barubal pa. At kulang na kulang siya ng tiwala sa sarili niya, kaya lahat na lang ng babaeng nakakatrabaho ng husband niya, e, pinagseselosan niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pekeng bagito kailangan din ng OPERA ang bibig!

Siguradong timping-timpi na ngayon si Daniel Padilla dahil sa ginawang panglalait ng isang bagitong retokado (hindi namin ito papangalanan, sayang ang espasyo) sa kanyang mahal na si Kathryn Bernardo.

Minsan ay isang kaibigan ng pamilya ni Karla Estrada ang nagsabi sa amin na pinakasensitibo si DJ kapag may nananakit kay Kathryn. Kung gusto mo raw na mapalapit sa iyo si Daniel ay unahin mong mahalin ang kanyang girlfriend.

Nagdenay ang retokadong personalidad na hindi raw ito ang naninira sa dalaga, meron lang daw sumisira sa kanya, ginagaya lang diumano nito ang kanyang boses. Hindi raw nito makakayang pintas-pintasan at laitin ang young actress dahil paborito niya ang KathNiel.

Wala pang isang oras pagkatapos nitong magdenay sa isang radio interview na may paiyak-iyak pa ang hunghang ay lumabas sa Internet ang kabuuang video na meron na itong mukha at buong ningning talagang sinisiraan si Kathryn.

Parang perpekto ang hitsura nito sa pagsasabing sakang ang girlfriend ni Daniel, wala raw itong karapatang mag-number one sa FHM, dahil sa kanyang mga kapintasang pisikal.

Galit na galit ang mga tagasuporta ng KathNiel sa pagiging pintasero at sinungaling ng bagitong retokado. Kitang-kita na nga naman ang ebidensiya, pero nakaya pa nitong magsinu­ngaling, at may paiyak-iyak pa!

Ang dapat sa retokadong ito ay muling mahiga sa operating table, pero ang reretokehin na sa kanya ay ang kanyang ugali, hindi sapat ang malaking pagbabago ng kanyang hitsura dahil sa kasinungalingang ipinagsisigawan nito sa social media.

Totoong-totoo na maaaring magbago ang aspetong pisikal ng tao, pero kung ano ang naturalesa ng kanyang ugali ay hindi mababago-magagamot ‘yun ng siyensiya. Kung ano ka ay ‘yun ka na talaga.

Huwag sanang magkrus ang landas ng retokadong ito at ni Daniel Padilla. Kapag nag-umangas pa ang pekeng bagito sa halip na magpakumbaba at humingi ng paumanhin ay siguradong makakakita ito ng mga bituin sa langit.

Retokado na nga ang hitsura, peke na nga ang pisikal na kaanyuan, pero pagkayabang-yabang pa!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: