PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sarah Chinese food ang pinag-iinitan sa pagbubuntis!

PIK: Marami naman daw ang nagkagusto sa pilot episode ng Super Ma’am ni Marian Rivera na nagsimula kamakalawa ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Nakikita na sa mga eksena na maganda ang samahan ng cast, at kumportable na sila sa isa’t isa.

Sabi nga ni Helen Gamboa, iba raw ang samahan nila sa set, at natutuwa siyang si Marian ang kasama niya sa soap.

Naaliw daw siya sa GMA Primetime Queen na madalas nilang napag-uusapan ang pagluluto.

“Mahilig din kasi siyang magluto.

“Nagtatanong siya sa akin ng ibang luto, nagsi-share naman ako ng alam ko,” pakli ni Helen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang alam daw niya ay masarap si Marian magluto ng kaldereta, pero type na type rin daw nito ang luto niyang kaldereta.

Kaya madalas ay nagsi-share sila at nagpapatikim ng kanilang mga luto.

PAK: Nilinaw ni Sec. Martin Andanar ng Presidential Communications O­perations Officer ang tungkol sa isyu ni ASec. Mocha Uson na nag-perform sa Casino.

Wala pa munang masabi si Sec. Andanar kung ano ang desisyon nila kay Mocha dahil iniimbestigahan pa raw muna sa ngayon ng Office of the Deputy Secretary to Legal Affairs.

Bilang presidential appointee raw si Mocha, na kay President Rodrigo Duterte raw ang desisyon pagkatapos siyang imbestigahan.

Nag-usap na raw sila ni Mocha at pati ang tungkol sa kanyang Facebook blog na naging sanhi minsan ng mga isyu na ikinare-react ng netizens.

Kung ano man daw ang nasa blog ni Mocha, labas iyun sa kanyang pagiging ASec ng PCOO.

Ani Sec. Andanar, “Right from the very beginning, sinabi naman ni Mocha sa akin na ‘this is my own, Whatever I say here does not reflect the office of the PCOO. Kung ano man ang mali na gagawin niya, haharapin niya ang usapan,”

Tanggap naman daw nila na malaki talaga ang tulong ni Mocha kay Pres. Digong.

“Si Mocha kasi is one of the kind. Very unique, because how many Asecs do you have? Asecs who have at elast more than 5M followers?” saad ng PCOO Secretary.

Nasa New York ngayon si Mocha na sumama sa grupo ni Sec. Allan Peter Ca­yetano.

BOOM: Chinese food daw ang pinaglilihian ni Sarah Lah­bati, at feeling nila girl ang pinagbubuntis niya.

Ani Sarah, “Ang hilig ko sa Chinese food ngayon lalo na ‘yung hakaw, dimsum na may soy sauce, at ‘yung corn soup.”

Masaya at excited siya sa pagbubuntis niya ngayon, kaya lang medyo nahirapan siya ngayon.

“Physically medyo mas mahirap ngayon pero mentally mas madali kasi alam ko na kung ano i-expect ko sa changes ng body ko.

“With Zion kasi napakaselan ko hindi ako makalabas ng kuwarto. Konting amoy lang ng ganito, I need to go to the toilet pero ngayon mas nadadalian ako,” pahayag ni Sarah.

Natutuwa naman si Richard dahil alam daw niyang gustung-gusto na ni Sarah na magkaroon ng kapatid si Zion.

“Very healthy matagal na siya nagpaparinig sa akin matagal na niya ginusto ito na magkaroon ng kapatid si Zion, last year pa.

“Pero I think now is the right time,” saad ni Richard.

Two months na ang ipinagbubuntis ni Sarah at inaasahan nilang iluluwal niya sa buwan ng April 2018.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: