PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dingdong maraming natutuhan kay Aga!

Nakakatuwa ang convo nina Ding­dong Dantes at Ma­rian Rivera sa social media. Ipinost ni Ding­dong ang publicity photo ng asawa para sa Super Ma’am, ito ‘yung sexy ang costume ni Marian na kita ang tiyan at may hawak na latigo.

Ang caption ni Dingdong “Mabutianaman at hindi ito ng kanyang OOTD sa aming tahanan kundi sa TV lang. Makikita niyo na siya-ang super hot na titser na lumalatigo ng mga masasamang element! Super Maam ang pamagat nito, pero sa totoong buhay, Super Mom ang tawag ko.”

Sumagot si Marian ng “love you... ano ka ba susuot ko rin sa bahay ‘yan! char.” Kapag ginawa nga niya itosi Zia ang mas matutuwa.

Samantala, nag-a-alternate si Dingdong sa taping ng Alyas Robin Hood 2 at Star Cinema movie na Seven Sundays  kung saan isa sa co-star niya si Aga Muhlach. First time nagkasama ang dalawa sa pelikula. “I look up to him (Aga) as an actor. Marami siyang advice at marami siyang isine-share tungkol sa industry and I appreciate it very much. Kahit matagal na ako sa showbiz, maganda kung may mga nakakausap kang mas matagal na sa ‘yo. Ang dami kong natututunan sa mga pag-uusap namin,” sabi ni Dingdong.

Maxine babanggain sina AiAi at Barbie sa Araw ng mga Patay!

Kung walang uurong, tatlong local films ang sabay-sabay magsu-showing sa November 1. Sa nasabing petsa ang opening ng Spirit of the Glass ng OctoArts Films, ang Bes and the Beshies ng Cineko Productions, at This Time I’ll Be Sweeter ng Regal Entertainment.

Ang movie ng Cineko at Regal ay parehong directed by Joel Lama­ngan at ‘yung movie ng OctoArts Films ay si Joey Reyes naman ang director. Ang tanong ng fans, makakatulong ba sa three mo­vies na sabay-sabay ang showing nila? Tapos ang November 1 ay walang masyadong tao dahil u­muuwi sa probinsiya ang iba to observe All Saints’ and All Souls’ Day.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Pasipagan na lang siguro sa pagpu-promote ng kani-kanyang pelikula at palakasan ng recall ang cast sa tao. Launching movie ni Maxine Medina ang Spirit of the Glass kasama sina Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, at Janine Gutierrez.

Kasama ni AiAi delas Alas sa Bes and the Beshies sina Carmi Martin, Beauty Gonzales, at Zsa Zsa Padilla. Bida sa This Time I’ll Be Sweeter sina Barbie Forteza at Ken Chan.

Angelika pinatagal ang pagmamaldita

May mamamatay na naman palang karakter sa Ika-6 Na Utos at kani-kanyang hula ang sumusubaybay kung sino ang susunod kay Mike Tan.

Anyway, mukhang extended ang guesting ni Angelika dela Cruz dahil hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang karakter niyang si Geneva. Nang makausap namin sa taping, ang sabi ay hanggang August lang ang kontrata niya.

Benjamin at Julie Anne nakaka-16 months na

Naalis ang pag-aalala ng fans nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose na baka may problema sila sa kanilang relasyon dahil madalang na ang conversation nila sa Twitter at hindi na rin nababasa ang pangalan ni Benjamin sa mga nagla-like sa posts ni Julie Anne.

Pero nawala ang pagdududa nila nang muling mag-like si Benjamin sa mga bagong post ng dalaga.

Kahapon, nabasa ang tweet ni Benjamin na “6teen” na ang ibig palang sabihin ay 16 months na ang relasyon ng dalawa.

May comment pang “Love her” si Benjamin sa picture na ipinost ng kanilang fans.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: