PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Empoy pasan ang buong pamilya

Magbabalik ang comedian of the hour na si Empoy Marquez sa big screen sa pamamagitan ng action comedy movie na The Barker (Don’t Know What To Do) na pinagtatambalan nila ng Viva young star na si Shy Carlos.

Ang pelikula ay siyang follow-up movie ni Empoy after Kita Kita, na highest-grossing Filipino indie film of all time. Ito’y mula sa panulat at direksiyon ng comedy actor-turned director na si Dennis Padilla.

May nakatakda ring gagawing pelikula si Empoy sa bakuran ng Star Cinema na pagtatambalan naman nila ni Ellen Adarna.

Bukod sa sunud-sunod na pelikula, si Empoy ay kasama rin sa cast ng bagong TV series na gagawin ni Piolo Pascual kung saan nito makakasama sina Arci Muñoz, JC de Vera, at Alessandra de Rossi na nakatakdang idirek ni Antoinette Jadaone under Dreamscape ni Deo Endrinal.

Since si Empoy ang panganay sa pitong magkakapatid at hiwalay na rin ang kanyang parents, siya ngayon ang tumatayong “padre de familia”.

Lelebel kina Dra. Vicki at Marian inaabangan sa SMB

Since papalapit na ang 2017 Star Magic Ball na gaganapin sa ballroom ng Shangri-La Hotel in Makati, sino kaya sa female celebrities ang magsusuot ng gown na gawa ng internationally renowned Dubai-based Filipino designer na si Michael Cinco?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Si Michael ang gumawa ng expensive wedding gowns nina Dra. Vicki Belo, Marian Rivera, at Rochelle Pangilinan pero isa na yata sa pinaka-most expensive wedding gowns na gawa ng kilalang fashion designer ay ang wedding gown na sunod ng Swarovski heiress at Austrian pop star na si Victoria Swarovski nang ito’y isali sa real-estate tycoon na si Werner Muerz na nagkakahalaga umano ng $1.3-M or equivalent to P65-M plus sa Pilipinas.

Kilala si Michael sa Middle East sa pagiging fashion designer ng royal weddings.

Veteran actor na si Ernie Zarate

ihahatid sa huling hantungan bukas

Nagluluksa na naman ang industriya ng pelikulang Pilipino sa pagpanaw ng veteran actor na si Ernie Zarate. Si Ernie ay sumakabilang-buhay noong nakaraang Sabado, September 16 sanhi ng kumplikasyon sa diabetes at kidney. He was 77.

Si Ernie ay kasalukuyang nakaburol sa Christ the King Chapel ng Greenmeadows in Quezon City.  Nakatakda siyang ihatid sa kanyang huling hantu­ngan sa darating na Huwebes, September 21.

James at Nadine hindi malimutan ang ginawa sa bundok

Hinding-hindi makakalimutan ng reel and real sweethearts na sina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang first experience in hiking kamakailan lang kasama ang ilang kaibigan. Malamang nakapaglabas sila ng sama ng loob sa tutok dahil sa magandang view nito.

Inakyat ng magkasintahan ang Mt. Ulap sa Itogon, Benguet sa loob ng tatlong oras pero hindi sila gaanong nagtagal sa tuktok dahil sa pagbadya ng ulan. Pero kakaibang experience ang kanilang naranasan laluna nung sila’y nasa itaas sila.

Samantala, wish ng fans nina James at Nadine na muli silang mapanood sa isang bagong teleserye at bagong pelikula.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: