PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Maricel babalik na sa iyakan, mga dalaw ni Bong hinihigpitan na! McCoy mas pinalakpakan

SEEN: Mahigpit na ang pagtanggap ng mga bisita sa mga nakakulong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame kaya pinuntahan na lamang kahapon ni Lolit Solis si former Senator Bong Revilla, Jr. sa hearing ng plunder case nito sa Sandiganbayan.

SCENE: Last Night pa rin ang pamagat ng reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa Star Cinema. Hindi totoo na pinalitan ang pamagat ng pelikula na mapapanood sa mga sinehan sa September 27.

SEEN: Imbitado si Bela Padilla sa presscon ng Last Night dahil siya ang sumulat ng kuwento ng pelikula nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

SCENE: Ang 60th wedding anniversary nina ex-Senator Juan Ponce Enrile at ng misis nito na si Cristina ang unang party na pinuntahan ni former Senator Jinggoy Estrada matapos makulong ng tatlong taon sa Camp Crame. Nakalaya si Estrada noong Sabado. Mentor at pangalawang ama ang turing ni Jinggoy kay Enrile.

SEEN: Ginanap sa tahanan ng mga Enrile sa Makati City ang wedding anniversary party nila. Mga bisita ang mga bagong kasal na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr., former First Lady Imelda Marcos, former Vice President Jojo Binay, among others.

SCENE: Lumitaw ang pagiging komedyante ni McCoy de Leon sa The Good Son ng ABS-CBN. Half-brother ni Joshua Garcia ang role ni McCoy sa The Good Son.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Ang mga eksena ni McCoy de Leon sa The Good Son ang pinalakpakan sa special preview na ginanap sa Dolphy Theater noong Lunes.

SCENE: Inaabangan ng fans ni Maricel Soriano ang guesting nito sa anniversary episode ng Maalaala Mo Kaya sa Sabado. Ang paglabas niya sa MMK ang rare television appearance ni Maricel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: