PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kung kailan nagpaayos ng fez Female singer nakikilala lang ng fans ‘pag may make-up!

Nag-concert sa isang malayong probinsiya ang isang female personality na ginawang pulutan kamakailan sa social media. Talagang naging agahan, pananghalian, at hapunan niya nu’n ang masasakit na salitang ibinato sa kanya ng mga bashers.

Wala siyang keber, dedma lang siya, wala siyang pinagsisisihan sa kanyang ginawa. Basta para sa kanya ay tama ang naging desisyon niya, masaya siya sa buhay niya ngayon, mamatay na lang sa inggit ang mga umuupak sa kanya sa social media.

Kuwento ng aming source, “Ang nakakaloka nga kasi, kundi pala siya naka-make-up, e, hindi mo naman talaga siya makikilala. Kalat na kalat sa province ang pagdating niya, marami nang nag-aabang para makita siya, pero dumaan na pala siya, e, walang nakakilala sa kanya!

“True! Dumaan na pala siya sa mismong harapan ng mga nag-aabang, pero walang nakakilala sa kanya. Nu’ng may magtanong sa isang staff kung nasaan na ba ang bumibida sa concert, e, naloka ang mga miron!

“Ang sagot kasi ng tinanong nila, ‘Dumaan na siya, hindi n’yo ba siya nakita? Sa harapan n’yo mismo siya dumaan, hindi n’yo siya napansin?’ Naloka ang mga nag-aabang sa kanya.

“Oo nga naman, pasakay na pala sa van ang hinihintay nilang makita, pero nakadaan siya nang hindi napapansin ng mga curious na makita siya nang malapitan,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kung wala palang kulapol ng make-up ang female personality ay mahirap siyang makilala. Pero nu’ng mismong gabi na ng show, nu’ng fully made-up na ang girl, halimaw na ang kanyang dating.

Kuwento uli ng aming source, “Kahit nu’ng nag-check-in na ang grupo niya sa hotel, e, walang nakakilala sa kanya. Nagtatanu­ngan ang staff kung saan siya nandu’n, nakababa na raw ba siya sa van?

“Security guard ang nagsabi sa kanila na dumaan na ang girl, nasa elevator na nga, kaya naloka ang mga gusto ring mang-usyoso sa hitsura niya.

“Pero nu’ng mismong show na, panalung-pa­nalo na ang girl sa porma niyang rock na rock ang dating! Maganda na siya, naka-make-up na kasi, nakilala na siya agad ng audience!

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Kung kailan naman siya nagpaganda ng face niya, e, saka hindi siya nakilala! Gandang-ganda pa naman siya sa bago niyang hitsura, pero nakadaan na pala siya, e, walang kaalam-alam ang mga nakaabang sa kanya!” napa-look na lang sa sky na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jinggoy hindi kayang tiisin si Bong

Pagkatapos ng weekly reunion ng pamilya Estrada sa kanilang bahay sa Polk Street, Greenhills, ay agad na nagpunta sina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito sa PNP Custodial Center.

Kasama ang magkapatid na Jackie at Col. Jude Estrada ay dinalaw nila si Senador Bong Revilla na dina­tnan nilang kasama ang buong pamilya nito.

Sa halip na magpahinga at namnamin ni Senador Jinggoy ang buhay na malaya ay inuna niya ang pagbabalik sa Crame kung saan naiwan ang kaibigan niyang karnal na si Senador Bong.

“Kung ako nga, e, nanibago sa unang gabi ng paglabas ko, how much more ang kaibigan ko? Three years and three months kaming nagkasama du’n, kaya natural lang na manibago rin siya.

“Iba ang kapaligiran nu’ng dumating kami, makulimlim, may kulang. Sana nga, tulad ko, e, makalaya na rin siya agad,” pahayag ng kalalayang pulitiko.

Kuwento naman nina Col. Jude at Jackie ay naging emosyonal ang mag-asawang Senador Bong at Mayor Lani Mercado nu’ng dumating sila sa Custodial Center.

Nagpasalamat ang mag-asawa sa kanilang pagdalaw, hindi raw inakala ng mga ito na agad-agad na babalik sa Crame ang pamilya ni Senador Jinggoy, pero Sabado nang gabi pa lang pala ay ‘yun na ang pinag-usapan nina Senador Jinggoy at Precy.

Sa unang araw pa lang ng paglaya ng senador ay dadalawin niya agad si Senador Bong, ngayon daw kasi higit na kailangang maramdaman ng aktor-pulitiko na maraming nagmamahal sa kanya, nangako rin si Senador Jinggoy na gagawin niyang madalas ang pagdalaw sa kanyang bestfriend.

Walang iwanan. Sa loob at sa labas. Sa pagbagsak at sa pagbangon. Sa anumang kumpas ng panahon. ‘Yun ang pinanghahawakang matibay na pundasyon ng pagkakaibigan ngayon ng dalawang senador.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: