PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mariel ayaw magpa-pressure sa training ng Miss International

Nakausap namin si Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon sa opening ng biggest Pizza Hut at flagship store ng bansa na nasa SM Mall of Asia. Si Mariel ang Ambassadress at si Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters ang celebrity endorser.

Naghahanda na si Mariel sa Miss International coronation sa November 14 na gagawin sa Japan. Pinag-aaralan niya ang Japanese culture. Puno ng confidence na sinabi ni Mariel na hindi siya napi-pressure, hindi niya ito iniisip, super chill lang siya, pero gagawin ang lahat para maiuwi ang korona.

“Super fun” ang sagot ni Mariel sa pakikipagtrabaho kay Coco Martin sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Ang Panday. Enjoy siya sa shooting at para walang conflict sa paghahanda sa Miss International, weekend lang siya nagsu-shooting. Hindi pa nagsi-sink in kay Mariel na artista na siya. Baka ‘pag napanood na niya ang movie ay saka niya maramdaman ito.

Dennis may nakaabang na pelikula

Tinupad ni Dennis Trillo ang ipinangako sa GMA 7 at production staff ng Mulawin vs. Ravena na tatapusin niya muna ang taping ng fantaserye bago tumanggap ng pelikula.

In fact, hinihintay lang ni Dennis ang last taping day niya sa Mulawin vs. Ravena at magsisimula na siyang mag-shooting ng ayaw pang sabihin kung anong project at kung saang film company ito. Ayaw nitong naglalagare siya ng trabaho para hindi siya napi-pressure at nai-stress.

Samantala, nalulungkot na ang viewers ng Mulawin vs. Ravena sa plug ng network na malapit na ang pagtatapos nito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mga pelikulang kalahok  pinag-uusapan, Liza Diño tagumpay sa PPP!

Maganda ang feedback sa opening day ng 1st Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) at nag-trending pa ang Bar Boys, 100 Tula Para Kay Stella, Ang Manananggal Sa Unit 23B. Na-report din na sa Greenbelt ay maraming nanonood ng 100 Tula Para Kay Stella, Star Na si Van Damme Stallone, at Triptiko.

Ang ganda rin ng feedback ng mga nakapanood na ng Birdshot, Pauwi Na, at Patay Na Si Hesus. Nakakatuwa rin na ang moviegoers mismo ang nagpu-promote ng pelikula sa Internet at sila na rin ang naglalagay ng hashtag. 

Sa Opening Night Gala, nagpasalamat si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño sa mga sumuporta at susuporta pa sa PPP. Pangarap lang niya ito dati na nagkatotoo.

Melissa Mendez may pa-garage sale para sa tuition fee ng anak

Humanga kami kay Melissa Mendez dahil hindi itinago na kaya siya nagpa-garage sale sa house nila ay dahil jobless siya at kailangan niya ng pang-tuition ng anak na si Alex. Ang hashtag ni Melissa ay #jobless #alexTuitionFee #GodWillProvide.

Mga damit, gamit sa bahay at maraming Jo Malone perfumes for men and women for P1,500 only ang mabibili. Nakiusap si Melissa na ‘wag siyang i-stress ng bogus buyers at sana pakinggan siya ng netizens.

Ang My Love From The Star ng GMA 7 ang hu­ling show ni Melissa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: