PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Aktres malala ang inggit sa kapwa aktres!

Outfit bantay-sarado

Ayon sa sirkulo ng kanilang mga kasamahang artista ay matindi talaga nag nararamdamang insecurity ng isang female personality sa isang babaeng personalidad.

Tawagin na lang natin silang Actress A at Actress B. Pareho silang sikat, pareho rin silang maganda, pareho rin silang matalino. May kani-kanya silang katangian.

Matagal nang insekurida si Actress A kay Actress B, ayon sa kanilang mga kasamahan, ramdam ang pag-ayaw ni Actress A sa kanyang kapwa artista pero deadma lang ang isa.

Kuwento ng aming source, “Ay, nu’n pa mainit ang dugo ni Actress A kay Actress B. Hindi naman siya inaano nu’ng isa, pero talagang matindi ang insecurity ni Actress A sa girl!

“Marami naman kasing dahilan kung bakit. Mas maganda kesa sa kanya si Actress B. At natural na ganda ‘yun, hindi produkto ng siyensiya. Pagtabihin man silang dalawa, e, makikita ang tunay na ebidensiya!

“Isa pa, happy si Actress B, maayos ang family niya, meron siyang makabuluhang pinagkakaabalahan sa lugar nila. Hindi nasasayang ang panahon niya sa kung anu-ano lang, very productive siya,” simulang pagkukumpara ng impormante sa dalawang aktres.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nu’ng minsan kunong nagkasabay sa isang awards night ang dalawang babae ay pinabantayan pa ni Actress A sa kanyang PA kung ano ang outfit ni Actress B.

“Gusto niyang malaman kung ano ang suot na gown ng kinaiinsekyuran niyang babae. Kaso, sobrang simple lang talaga ni Actress B, mukha niya ang nagdadala sa kanyang kabuuan.

“Dumating si Actress A na bonggang-bongga, puro imported ang suot niya, pero in fairness kay Actress B, kahit yata basahan ang ipasuot mo sa kanya, e, sobrang carry niya pa rin.

“Talagang nu’n pa man, e, talagang matindi na ang inggit sa katawan ni Actress A sa girl. Siya mismo ang nangmamaliit sa sarili niya dahil hindi naman siya pinapansin ng babaeng kinaiinisan niya!

“Basta cool lang si Actress B, ano pa ba naman ang hahanapin niya, e, pinakasalan siya ng ama ng mga anak niya? ‘Yun kaya ang source ng insecurity ng girl sa babaeng ayaw na ayaw niya?

“Mismo! ‘Yun na ‘yun! Wala nang iba pang rason! Mamatay siya sa inggit sa girl na deadma lang naman sa kanya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris at Michela mga uhaw daw sa pansin!

Nasa gitna na naman ng entablado ng kontrobersiya si Kris Aquino. Kinaladkad pa ng TV host sa kanyang pag-iingay ang kasalukuyang karelasyon ng kanyang ex na si Michela Cazzola.

                                           Isang napakasimpleng bagay ‘yun na kumurot kay Kris, binalikan niya ang sumulat, pero mukhang tulad ng kanyang career ay hindi niya kakampi ang mga netizens sa kanyang pagmamarakulyo.

Mas maraming umunawa at kumampi kay Kuya Ricky Lo, si Kris ang pinutakti ng mga salitang kinasanayan na niyang lunukin, naghahanap na naman daw ng pansin ang TV host dahil hanggang ngayon nga ay walang direksiyon ang kanyang career.

Mababaw ang argumento ni Kris. Ikinagalit niya ang simpleng senaryo na wala ang kanyang anak na si Bimby sa unang-unang kaarawan ng kapatid nito sa ama na si MJ. Walang malisya ang pagkakasulat, ni wala ngang nag-isip ng intriga sa hindi pagdalo ng kanyang anak sa birthday ng anak nina James Yap at Michela, siya lang ang tanging nagbigay ng kakaibang interpretasyon sa ibinalita ni Kuya Ricky.

Nakihalo naman sa kataklesan ni Kris si Michela, meron pa itong dramang gustong sunugin ang kopya ng pahayagan, samantalang alam na pala nito na hindi darating si Bimby dahil nagkausap na sila ni Kris.

Ang dalawang babae ang hinahagupit ngayon sa social media, mga uhaw daw sila sa pansin, kaya kahit walang kabagay-bagay na kuwento ay pinalaki pa nila.

Mas naging maasim naman ang mga dati nang maasim ang pagtanggap kay Kris, kailangan daw niyang gawin ang ganyan, palibhasa’y hindi na siya napag-uusapan. KSP ang tawag kay Kris ng mga naiinis sa kanyang kaartehan.

Sabi nga ni prop, “Si Kris ang walang karapatang magsalita tungkol sa privacy ng mga batang inosente dahil siya ang bando nang bando sa mga anak niya sa publiko.

“Konting kibot lang, naka-post na sa IG niya ang mga ginagawa nina Bimby at Josh. Nagustuhan lang ng mga anak niya ang isang bagay, alam na agad ng buong mundo ‘yun!

“Walk your talk! Siya dapat ang litanyahan ni Ricky Lo tungkol sa kapribaduhan ng mga innocent! Tantanan na niya ang mga kadramahan niya na wala sa tiyempo!

Ano na ba ang nangyari sa Hollywood career niya? ‘Yun ang tutukan niya, hindi ang nakapasimpleng kuwento na pinalaki niya!” komento pa ng kaibigan naming propesor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: