PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Joseph lalaki kung tratuhin si Ria!

Abot-abot ang pasasalamat ni Joseph Marco sa lahat ng manonood dahil talaga namang namamayagpag sa ratings ngayon ang teleserye nilang Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Isa si Joseph sa mga katambal ng aktres sa nasabing proyekto. “It feels nice. Lahat ng pinaghihirapan namin may napupuntahan and ang dami naming napapasayang tao. You know, everybody sa set talagang ganado silang magtrabaho, from the crew, cameraman, talagang ibinibigay namin ‘yung best namin and you know, pinaghahandaan pa namin ‘yung mga upcoming big scenes namin,” nakangiting bungad ni Joseph.

Posibleng umabot pa raw sa susunod na taon ang serye dahil sa magandang feedback mula sa mga manonood. “That’s what I heard. Kung magkatotoo man, we’re thankful. Iba rin kasi ngayon lang ako magkaka-show ng lalampas ng three seasons. From Pasion (de Amor) na na-extend din nang na-extend,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, wala pa ring kasintahan sa ngayon si Joseph pero nauugnay naman kay Ria Atayde. “Ria is my best friend. There’s nothing more. She’s my best friend and kung tratuhin ko siya parang lalaki. Kung tratuhin niya ako parang tropa rin. And you know, speaking of love life, sa sobrang busy ko kahit spending time with my family hindi ko magawa,” nakangiting pahayag ni Joseph.

Jc pressured na agad kina Juday at Angelica

Marami ang tumatangkilik sa tambalan nina JC de Vera at Shaina Magdayao sa teleseryeng The Better Half. Hindi raw inakala ng aktor na susuportahan ng mga tagahanga ang pagtatambal nila ng dalaga.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang dalaga. Napahanga rin si JC sa pagiging magaling na aktres ni Shaina.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, kapag natapos ni JC ang trabaho sa nasabing serye ay sisimulan na ng aktor ang pelikulang pagbibidahan nina Judy Ann Santos at Angelica Pa­nganiban. Sobrang excitement na raw ang nararamdaman ni JC ngayon dahil makakatrabaho niya ang ilan sa pinakamagagaling na aktres sa bansa. “Excited ako more than pressured. Mas iniisip ko siya everyday na makakasama ko ‘yung dalawa sa pinakamagaling sa industriya. Different approach siya, comedy siya and hindi siya mabigat eh. ‘Di ba ‘yung mga kasama mo known sila for drama pero this time comedy ang gagawin. So sobrang excited ako,” pagtatapos ng aktor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: