PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ella at Julian naging madugo ang tukaan

Ella Cruz

Madugo pala ang naging halikan nina Ella Cruz at Julian Trono sa launching movie nilang Fangirl/Fanboy na showing na sa September 6, directed by Barry Gonzales.

Eh kasi tinamaan ng ngipin ni Julian ang labi ni Ella kaya ayun dumugo.

 “Putok ang labi! Kasi meron pong eksena na napa-kiss lang. Sa sobrang excitement sa pagka-kiss nila, tumama sa ngipin. Madugo talaga,”  kuwento ni Direk Barry kahapon sa grand presscon ng first directorial movie niya.

“Pumutok po ang labi ko!” pag-amin ni Ella.

Pero nagpaliwanag si Julian: “Heto po ang context. Mabibigla. Ayusin natin ito kasi alam na natin ito. Nasugatan po siya kasi tumama sa ngipin ko.’

“Huwag ka nang mag-explain,” hirit uli ni Ella.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Hindi ko nga nagustuhan dahil nasaktan po ako. I had to pause kasi nagdudugo ang labi niya. Medyo na-delay ‘yung scene,”  katuwiran uli ni Julian.

Pero maayos naman daw natapos ang nasabing eksena.

Ang Fangirl/Fanboy is a Joyce Bernal production for Viva Films and N2 Production na ang kuwento ay may bahid ng sikat na sikat ngayong K-pop fever.

Ang karakter ni Julian na si Ollie Fernandez ay isang one-hit wonder na sobra ang bilib sa sarili. Hibang na tagahanga siya ng Korean actress na si Soo Mi Young (ginagampanan ni Yam Cancepcion) na pumapapel sa karakter ni Sandy/Android sa Koreanovelang Program for Love.

Si Ella naman si Aimee, ang official dubber ni Soo Mi Young.

Si Ronnie Liang si Mun Jun Park, ang Korean actor na kapareha ni Soo Mi Young.

At dun magsisimula ang lahat sa pagitan nina Ollie and Aimee nang magkakilala sina Ollie at Aimee na nagkataon namang fan ni Ollie bilang one hit wonder nga siya.

Kabado ang magka-loveteam, pero say ni Direk Barry na assistant director sa maraming movie ng Star Cinema, naka-deliver ang dalawa at nakita niya ang pagiging natural nila sa pelikula.

Showbiz buhay na buhay sa PPP

Buhay na buhay ang kapaligiran ng showbiz sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa ginaganap na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Maraming nanonood ng sine at kanya-kanya sila ng review.

Saka mas mura ang bayad, P200 lang bukod pa sa lahat palabas ay Tagalog films.

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang tagumpay ng pagpapalabas ng mga pelikulang Pinoy para bumalik sa dating sigla ang industriya ng pelikula sa bansa.

Saka parang nagbago na ang taste ng mga manonood.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: