PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis nadala na rin sa diving si Jessy!

Luis Manzano at girlfriend na si Jessy Mendiola

MANILA, Philippines - Na-convince na rin ni Luis Manzano na mag-diving ang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa picture na posted sa kanyang Facebook account, sinabi ni Luis na first time na mag-dive ni Jessy. “First time to dive with this little Chopie, welcome to divin! hindi na muna ako si Chokie ha, ako muna si Chubby,” sabi ni Luis na parang lumubo nga ang face sa nasabing picture.

Magkasama nang nag-Pasko ang mag-syota at malamang sila na naman ang magkasama sa pagpasok ng Bagong Taon.

Enteng at SPG may labanan sa Pirated

Uy nagkalat na raw ang pirated copies ng movie nina Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 at The Super Parental Guardians sa mga bangketa at malinaw daw ang kopya.

At patok ayon sa isang kaopisina ko na nakapasyal sa may Sta. Cruz, Manila area.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

As in may tapatan din daw na nagaganap sa dalawang pelikula na nauna nang naipalabas bago mag-Pasko matapos malaglag sa Magic 8 ng on going na Metro Manila Film Festival.

At malakas daw sa mga mamimili sa nasabing lugar. Maraming napapasilip sa pinalalabas sa mga TV screens sa bentahan balita pa ng kaopisina ko.

Eh kahapon pa naman ay naglabas ng statement ang Star Cinema na umano’y ang SPG na ang highest grossing Pinoy local movie of all time.

Paging Optical Media Board (OMB)?

MMFF P350-M daw ang inaasahang kita ng lahat ng pelikula

Speaking of MMFF, P350 million daw ang pino-project ng MMFF na kikitain ng walong pelikulang kasali sa loob ng 10 days. Pero kahit hindi raw mangalahati sa kinita sa mga nakaraang MMFF, masaya na umano ang nagpapalakad sa kasalukuyan ng MMFF.

Maaalalang mahigit P1-B ang kinita ng MMFF last year.

Inaapela sa kasalukuyan ng MMFF organizer sa pangunguna ni FDCP Chair person Liza Diño na payagan ng mga sinehan na tapusin ang two weeks run ng walong pelikula.

“The Filipino moviegoers have spoken, and their passion for cinema and for good stories told well has made all the difference. We therefore make this appeal to our partners, the theater owners, to celebrate this resounding success with us by allowing the extension of the duration of the festival by four days, so that it completes a 14-day run that will end on January 7, 2017,” apela niya na member din ng MMFF executive committee.

Nauna nang nagkaroon ng announcement na 10 days lang ang running period ng mga MMFF movies kaya agad na nag-announce ng playdate ng Mang Kepweng na bida si Vhong Navarro.

As of presstime ay wala pang balita kung pumayag na ang cinema owners sa apelang extension ng MMFF.   

Panggulo ni Vice pumatok, libro nina Sen. Miriam at Alex naghakot ng mambabasa

Naging matagumpay ang 2016 para sa Philippine publishing. Habang patuloy ang panonood ng mga tao ng telebisyon at sine sa buong taon sa sinehan o kanilang gadgets, maraming Pilipino pa rin pala ang bumili at nagbasa ng mga aklat. Sa katunayan, nadagdagan ang bilang ng aklat na binili at binasa ng mga Pilipino nitong 2016 kaysa sa nakaraang taon dahil sa pag-iiba ng konsepto ng libro ayon sa ABS-CBN Publishing.

Kaya naman naglabas sila ng Top Five Bestsellers sa 2016 na pinangungunahan ng PRESIDENT VICE: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas  na umano’y humataw at bumenta ng 95,000 kopya sa buong Pilipinas.

Sen. Miriam Defensor Santiago

Sa kanyang kauna-unahang aklat, ang tinuring na Panggulo ng Pilipinas na si Vice Ganda ay nagbigay boses sa maraming Pilipino sa pamamagitan ng mga bagong “batas” tulad ng “No to PDA!,” “No to #NoFilter!,” at “No to paasa!”

Ang Stupid is Forever at Stupid is Forevermore ay kabilang din sa nangunang mga aklat sa 2014 at 2015. Namayapa man si Sen. Miriam Defensor Santiago, bumenta pa rin umano ang kanyang mga libro nang 80,000 piraso nitong 2016, patunay na malakas pa rin ang kanyang impluwensya. Nakapaloob sa kanyang dalawang libro ang kanyang koleksyon ng quotes, jokes, at speeches na kinaaliwan ng mambabasa.

Kasalukuyang tumatabo sa takilya sa nagaganap na MMFF ang Vince &Kath & James na nagsimula pala bilang 7-aklat serye na bumenta nang 75,000 copies matapos ilabas ng ABS-CBN Publishing.

Ang love story na inilahad sa pamamagitan ng text messages ay sinubaybayan ng maraming Pilipino kaya naman minabuti ng ABS-CBN Publishing na isalin sa aklat ang tinatawag na “socialserye” mula kay Queen Elly (Jenny Almocera sa totoong buhay) noong Marso. 

Matapos namang magwagi sa eleksyon nitong Mayo, nagkaroon ng “unofficial guide to understanding how the Philippine’s most powerful mind works” sa pamamagitan ng aklat na The Duterte Manifesto. Dito mababasa ang  sumikat nang “quotable quotes,” pahayag, jokes, at pati na rin ang mga pangako ng bagong pangulo ng bansa.  

Maliban sa nakakaaliw ang mababasa, ang ilan sa kinita ng aklat ay ibinigay para sa Davao Children’s Cancer Fund Inc. – House of Hope.

Alex Gonzaga

At si Alex Gonzaga hindi man naging active sa TV ay pumatok naman bilang book writer na nagbalik sa pamamagitan ng isang aklat na tumatalakay sa isang bagay na parehong malinaw at malabo pa rin sa karamihan ng mga Pinay, ang pakikipag-date. Sa librong We’re Dating. Tama, Mali?!, na bumenta ng 35,000 copies tinalakay ni Alex ang ilan na namang mga hamon sa kababaihan sa pakikipag-date sa makabagong panahon. Isa sa mga tumatak na nasabi ng bagong manunulat ay ang, “Love is a risk, and dating is the test that will help you decide if you want to take that risk.”

Nalampasan ni Alex ang dating stage dahil inilalantad na niya sa social media ang kanyang karelasyong non showbiz. Pangalawang libro na ‘yun ni Alex.                                                                                                            

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: