PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis walang paki sa pagpapaseksi ni Jessy

Luis Manzano

Wala raw problema kay Luis Manzano ang ginagawang pagpapaseksi ni Jessy Mendiola sa mga proyekto nito. Wala pa mang kumpirmasyon mula sa dalawa ay may bulung-bulungan naman na magkasintahan na diumano sina Luis at Jessy ngayon. “Siguro nasanay naman ako sa mga ganyan dahil ang mga magulang ko ay kapwa mga artista rin kaya alam natin kung ang trabaho ay trabaho lang,” bungad ni Luis.

May pagkaseksi rin ang ginawa ni Jessy sa pelikulang Extra Service na mapapanood sa susunod na taon. Ayon kay Luis ay talagang sinusuportahan niya ang dalaga kung ano man ang ginagawang pelikula ni Jessy. “Sabi ko nga sa kanya, okay lang. Honestly, mas blessed siya sa akin ngayon dahil sa mga dumarating na projects sa kanya and I’m always here to support her,” giit pa ni Luis.

Samantala, espesyal ang Minute To Win It: Last Man Standing ngayong linggo bilang Pamaskong handog ng programa ni Luis. “Yes, excited dahil kids edition tayo ngayon for Christmas. Special dahil alam naman natin na ang Pasko ay para talaga sa mga bata. Siyempre salamat sa ating mga Kapamilya dahil sa mainit na pagtanggap sa ating programa gabi-gabi kaya maraming-maraming salamat. Bonus na lang siguro ang ratings dahil napapasaya natin ang mga viewers natin,” pagtatapos ng aktor.

Pamilya ni Pokwang matindi ang pinagdaraanan

May isang kahilingan lamang si Pokwang para ngayong Pasko. Ito ay ang maging maayos ang kondisyon ng inang may Alzheimer’s disease. “Wish ko ngayong Pasko, sana bumalik ang memory ng nanay ko. Ibalik sana ‘yung ngiti kasi ‘yung nanay ko komikera eh, saka matapang, matatag ‘yon. ‘Yun ang nami-miss ko saka ipinagluluto niya kami. Sana bumuti na ang kalagayan ni nanay. Alam naman ng lahat na medyo may pinagdadaanan kami kay nanay pero ‘di kami susuko para alagaan siya,” bungad ni Pokwang.

“Ngayon medyo hirap na kaming suyuin siya. ‘Pag medyo ‘di nakakainom ng tama ng gamot niya, nagta-tantrums. Tapos ‘di na niya talaga kami naaalala halos lahat. Kailangang bantayan mo ang pagkain kasi ayaw na niyang lumunok. So malambot na lang ‘yung mga pagkain na pinapakain namin sa kanya. ‘Di ako pwedeng maglambut-lambutan para sa kanya. Kailangan niya kami,” pagdedetalye ni Pokwang.

Masakit para sa aktres ang nangyayari ngayon sa kanilang pamilya lalo pa’t hindi na sila nakikilala ng kanyang ina. “Ang bilis lang eh. Three years ago tapos heto na agad. Kaya dose kaming magkakapatid na inaalagaan niya, mahiya naman kami kung susukuan namin siya,” dagdag pa ng komedyante.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: