PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit nasa ere, Luis naglabas ng pagmamahal kay Jessy!

Luis Manzano at Jessy Mendiola

MANILA, Philippines - Maraming kinilig sa ka-sweetan ni Luis Manzano sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola nang kasama itong mag-guest sa Family Feud last Sunday ng grupo ng  Chinoy, Mano Po 7.

Pagka-intro pa lang ni Richard Yap kay Jessy ay nilapitan na agad siya ng host ng programa at niyakap na tamang pag-welcome raw.

At sa next level ng round kung saan turn na ni Jessy ay binati ni Luis ang girlfriend ng belated happy birthday. Pero may sundot itong tanong kung ano ba ang best gift na natanggap niya (Jessy) last birthday. At sagot nito “ikaw” na obvious na sobrang ikinakilig ni Luis.

Sa follow up question ni Luis “paano mo nasabi na ako ‘yung best gift mo?”

“Kasi pinasasaya mo ako,” sagot naman ni Jessy.

Hindi lang ‘yun. Tinanong pa on air ng TV host kung mahal ba siya ni Jessy nang makarating na sa jackpot round. “Ang unang tanong ay… mahal mo ba ako?” Mabilis na ‘oo’ ang sagot ng aktres na kasama sa pelikulang Mano Po 7 na palabas na sa mga sinehan simula sa Miyerkules.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Obvious din namang kilig-kiligan si Jessy though parang may kasamang gulat ang reaction niya.

Ford, Joao, Niel, Russell, at Tristan, wagi sa Pinoy Boyband Superstar, nag-uwi ng tig-iisang milyon

BoybandPh

Matapos ang ilang linggong tagisan, tinanghal na winners ang singing heartthrobs na sina Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo, Russell Reyes, at Tristan Ramirez sa talent-reality competition na Pinoy Boyband Superstar  sa live finale ng programa noong Linggo ng gabi (Dec. 11).

Opisyal na silang ipinakilala bilang mga miyembro ng BoybandPH, ang pangalan ng kanilang grupo, at inawit sa unang pagkakataon ang kanilang first single na  We Made It. Isinulat ito ni Kiko Salazar at produced naman ng Star Music.

Si Niel ang inanunsyong unang miyembro ng boyband noong Sabado (Dec. 10) matapos makakuha ng 98.63%, ang pinakamataas na pinagsamang public votes at scores mula sa superstar judges na sina Vice Ganda, Sandara Park, Yeng Constantino, at Aga Muhlach laban sa ibang finalists.

Bumalik sa zero ang lahat ng scores ng boys para sa kanilang solo performances noong Linggo. Nagtagumpay naman dito sina Russell  (100%), Joao (87.81%), Ford (82.03%), at Tristan (69.27%) na nagtala rin ng pinakamataas na combined public votes at judges’ scores.


Hindi naman pinalad ang iba pang fina­lists na sina Tony Labrusca at Mark Oblea.

Nag-uwi ang limang winners ng exclusive contracts mula sa Star Magic, recor­ding contracts sa Star Music, Yamaha motorcycles, at P5 milyong cash.

Tampok din sa Pinoy Boyband Superstar: The Grand Reveal si Ogie Alcasid, na ipinakilala bilang isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar: Kids, na magsisimula na sa 2017.

Pinabilib naman ni Sandara ang viewers sa performance niya ng kanyang K-pop hit na Kiss.

Pinangunahan ni Billy Crawford bilang host ang band search, ang Philippine adaptation ng La Banda na nilikha ni Simon Cowell.

Ogie pinakabagong hurado ng Tawag ng Tanghalan

Ogie Alcasid

Speaking of Ogie, certified Kapamilya na ang singer-songwriter din matapos siyang opisyal na ipakilala bilang isa sa mga hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime nitong Sabado (Dec 10). Gaya ng ibang mga hurado sa inaabangang patimpalak sa kantahan tuwing tanghali, kikilatisin ni Ogie ang performances ng singing contenders mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila. Unang araw pa lang ni Ogie sa Tawag ay pinasaya na niya ang madlang people dahil sa kanyang komentaryong may kasamang mga nakakatawang biro.

Sa ngayon, nasa Huling Quarter na ang kumpetisyon kasama sina Hazelyn Cascano ng Metro Manila, Jeramie Sanico ng Mindanao, at Sam Mangubat at Froilan Canlas ng Luzon bilang semi-finalists.

Alapag abala sa panawagan sa mga customer ng Meralco

Jimmy Alapag

Ang basketball star na si Jimmy Alapag, retiradong point guard ng Meralco Bolts na kasama sa coaching staff ngayon, ang mukha ng bagong Meralco Customer Information Updating program na tinaguriang Project Handa.

Sa kanyang tampok na mensahe sa pinakahuling Meralco bill, nanawagan si Jimmy na i-update ng mga customers ang kanilang contact information upang maabot sila ng Meralco at mapaalalahanan sa panahon ng emergency na maaa­ring makaaapekto sa kanilang electricity service.

Ang Meralco ay nagpapadala ng text alerts ukol sa power interruption schedules, at maging sa mga oras ng kalamidad o sakuna tulad ng baha, bagyo, lindol, mga nabuwal na puno at mga naputol na kable para tayong mga customers ay tulungang makapaghanda at maging ligtas.

Sa Customer Information Sheet, maaaring isulat ang inyong cellphone at landline numbers, email address, landline number, Facebook, Twitter at Instagram usernames.

Ang mga napunan na forms ay maaaring isumite sa pinakamalapit na Meralco Business Center o Bayad Center, o sa awtorisadong Meralco bill delivery messenger.

Noong Hunyo, bumida si Alapag sa Meralco Advisory TV commercial kasama ang mga anchors na sina Joe Zaldarriaga at Maita David, kung saan nagpaalala rin ang basket ball star sa customers na mag-update sa Meralco ng kanilang contact information at maging social media accounts.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring puntahan ang www. meralco.com.ph/updatingyour info  o kaya ang Meralco official Facebook at Twitter accounts @meralco.

Please follow me on Twitter and Instagram: @salveasis

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: