PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel wala pa ring mahanap na kapalit ni Luis

Angel Locsin

Kung lantaran na ang relasyon ngayon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, mukhang tahimik naman ang kampo ng ex-GF ng aktor na si Angel Locsin. Wala rin tayong nababalitaan na may bago itong dini-date ngayon.

Kamakailan lamang napanood si Angel sa pelikulang The Third Party na pinagsamahan nila nina Sam Milby at Zanjoe Marudo under Star Cinema.

Last month ay muling bumalik ng Singapore si Angel for her final check-up na may kinalaman sa kanyang spine injury na siyang dahilan sa kanyang pansamantalang pag-atras sa movie remake ng Darna. Maugong ngayon ang balita na balik umano kay Angel ang role sa pelikulang nakatakdang gawin sa pagpasok ng taong 2017.              

Unang ginampanan ni Angel ang papel ng Darna in 2005 sa pamamagitan ng isang TV series sa bakuran ng GMA na siyang nagpatatag sa kanya bilang isang major star.

Isabelle at Solenn ini-enjoy pa ang mga mister bago mag-anak

Sa magkakabarkadang magkakasu­nod na ikinasal this year, ang ex-girlfriend nina Richard Gutierrez at Borgy Manotoc na si Georgina Wilson-Burnand ang pinakaunang magkakaroon ng baby sa kanyang British businessman-husband na si Arthur Burnand.

Baby boy ang nakatakdang isilang ni Georgina base na rin sa sonogram na kanyang ibinahagi sa kanyang Instragram account.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mukhang wala pang balak magka-baby ang pin­san niyang si Isabelle Daza-Semblat maging ang kabarkada nilang si Solenn Heussaff-Bolzico na pareho pang nag-i-enjoy sa kanilang respective showbiz career.

Samantala, glowing naman si Crystalle Belo-Pitt nang ito’y aming makita sa book launch ni Ruffa Gutierrez sa isang lugar sa Bonifacio Global City.

Ayon kay Crystalle, she’s ready to have a baby kapag ito’y ipinagkaloob sa kanila ng husband niyang si Justin Pitt.

Maine sasamahan na si Alden sa Asian TV Awards next year

Isang karangalan para sa other half ng AlDub love­team na si Alden Ri­chards ang mapisil na maging isa sa hosts ng taunang Asian Television Awards na gina­ganap sa Singapore noong December 2. Kasama niya rito ang iba pang kilalang celebrities tulad nina Adrian Pang, Stephanie Carrington, at Baki Zainal.

May posibilidad daw na magkasama sina Alden at Maine sa susunod na Asian TV Awards sa Singapore.

Sunshine todo ang pagka-in love

Lalo pang naging close na magkaibigan sina Sunshine Cruz at Ara Mina nang pumasok sa buhay ng una ang half-brother ng huli na si Macky Mathay.

Natutuwa si Ara para sa kaibigan na si Sunshine dahil kilala niya ang kanyang kapatid na isang taon na ring hiwalay na ex-wife nitong si Camille Fariñas. Ang dating mag-asawa ay may tatlong anak. Tatlo rin ang anak ni Sunshine sa kanyang dating mister na si Cesar Montano.

Although hindi pa annulled ang respective marriages nina Sunshine at Macky sa kanilang former partners, umaasa ang dalawa na magi­ging maayos din ang lahat balang araw.

Kitang-kita ngayon kay Sunshine ang kakaibang kaligayahan ngayon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: