PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

LT hindi inakalang mananalo uli sa FAMAS!

Lorna Tolentino

Congrats kay Lorna Tolentino dahil siya ang nag-uwi ng Best Supporting Actress trophy ng 64th FAMAS Awards. Nag-win si Lorna dahil sa acting niya sa Crazy Beautiful You ng Star Cinema.

Hindi inakala ni Lorna na mananalo dahil umapir siya sa awards night ng FAMAS para mag-present ng trophy sa winner ng Best Actor category na nakuha ni Dennis Trillo, ang lead actor ng Felix Manalo.

Malaking bonus para kay LT ang Best Supporting Actress trophy, kahit nag-win na siya ng mga Best Actress award mula sa FAMAS.

Bagets pa si LT nang mapanalunan niya ang FAMAS Best Child actress para sa Lumuha Pati Angel noong 1971.

Natatandaan ni LT na ginanap ang awards night sa isang hotel at dumalo ang lahat ng mga nominado. Dahil Best Child actress award ang natanggap niya, pambata rin ang maliit na trophy na ibinigay sa kanya, hindi kagaya ngayon na solid as in mabigat ang mga trophy na ipinamumudmod ng FAMAS.

Natuwa rin si LT nang manalo na Best Picture ang Felix Manalo ng Viva Films dahil kasali siya sa pelikula.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nag-enjoy si LT sa shooting noon ng Felix Manalo dahil mabait at masisipag ang production staff. Kumportableng-kumportable rin siya na katrabaho si Joel Lamangan na nag-win ng Best Director trophy ng FAMAS.

Project ng Iglesia Ni Cristo at ng Viva Films ang Felix Manalo. Matapos gawin ang Felix Manalo, umapir naman si LT sa Miracles Are Forever na project ng El Shaddai. Hindi pa ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula pero napanood na ito ng mga miyembro ng El Shaddai. Sa pagkakaalam ko, ang Viva Films ang distributor sa mga sinehan ng Miracles Are Forever na star-studded at magagaling na artista ang mga bida.

Rep. Vi nagmamadali pagkatanggap ng Presidential Award

Si Congresswoman Vilma Santos-Recto ang tumanggap ng Presidential Award ng FAMAS.

Hindi nagtagal si Mama Vi sa Century Park hotel, ang venue ng awards night dahil maaga pa ang pasok niya kahapon sa kongreso.

Tulad ni LT, napanalunan ni Mama Vi sa FAMAS ang unang acting award niya para sa Trudis Liit. Kita n’yo naman, pareho sila na kinikilala ngayon bilang mga respetado at mahuhusay na aktres.

Si Gabbi Garcia at ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez ang mga binigyan ng German Moreno Youth Achievement Award ni Federico Moreno, ang naulilang anak ni Kuya Germs.

Si Federico ang nagpapatuloy ng mga project na naiwanan ng kanyang ama, ang Walk of Fame Philippines at ang pamamahagi ng German Moreno Youth Achievement Award.

Mga produkto ng Walang Tulugan sina Jak at Sanya na masaya dahil sa mga award na natanggap nila pero malungkot dahil hindi na nakita ni Kuya Germs ang bunga ng mga pagsisikap nila.

Kahit madalas na hubad siya sa mga show ng GMA-7, napapansin at nabibigyan na si Jak ng mga show sa Kapuso Network samantalang ang pagganap bilang Danaya sa bagong Encantadia ang biggest break ni Sanya.

Timing na timing sa 18th birthday ni Gabbi noong December 2 ang achievement award na ibinigay sa kanya ng pamilya ni Kuya Germs. Biggest break naman ni Gabbi ang Alena role niya sa Encantadia.

Robin hindi sinolo ang FPJ Award

May-I-share ni Robin Padilla kina Coco Martin at Dingdong Dantes ang Fernando Poe, Jr. Memorial Award na ipinagkaloob sa kanya sa Awards Night ng FAMAS.

Ang sey ni Robin, sina Dingdong at Coco ang magpapatuloy sa telebisyon at pelikula ng alamat ni Kuya Ronnie Poe, ang kinikilala na Hari ng Pelikulang Pilipino.

Mainit ang pagtanggap ng audience sa speech ni Robin na isinulat nito sa kopya ng Absolute Pardon na ibinigay sa kanya ni President Rodrigo Duterte.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: