PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis at Jessy todo chill sa beach!

Luis Manzano at Jessy Mendiola

Chill chill sa beach ang mag-syotang Luis Manzano and Jessy Mendiola base sa Instagram post ni Luis kahapon.

Simpleng ‘Hi (with heart icon)’ lang ang caption ng TV host ng Minute to Win It na patuloy na namamayagpag sa rating.

Parang kakaahon lang nila sa dagat nang kunan ang nasabing picture nila.

At sa true lang, parang mas maganda si Jessy ‘pag walang make-up ha.

Nauna nang nag-upload ng photo si Jessy sa beach na sa kanyang location ay nakalagay ang Phuket, Thailand.

Sarah Geronimo

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sarah excited sa Great Unknown!

Ilang tulog na lang at mapapanood na ang special show ni Sarah Geronimo for her The Great Unknown album. May kaparehong title ang kanyang special show na magaganap sa Martes, November 29, 8:00 p.m. sa Kia Theater.

Last year pa nag-concert si Sarah kaya naman excited ang Popsters na mapanood uli siyang mag-perform.

Kakantahin ni Sarah ang mga nakapaloob sa kanyang latest album at siyempre ang hit songs niya.

Two months din siyang namahinga kaya naman pakiramdam ni Sarah ay more than ready at excited siya para pasayahin ang fans.

 

Sandara Park

Grupong nagpasikat kay Sandara, binuwag na

Buwag na ang 2NE1, ang Korean Pop group na kinabibilangan ni Sandara Park na sumikat nang husto.

Sa grupong ito sumikat si Sandara nang lumayas siya ng Pilipinas noon.

Seven years din palang tumagal ang nasabing girl group na kinabaliwan ng Koreans at maging ng maraming Pinoy na adik sa Kpop.

Kaya pala si Sandara, pabalik-balik ng bansa at nagagawang mag-bakasyon sa Palawan.

Ang sabi sa statement ng 2NE1, magkakanya-kanya na ng career ang apat na miyembro pero si Sandara raw ay mananatili sa YG Entertainment, ang management group ng grupo.

 

Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Chiz at Heart kinarir na ang paggawa ng baby

Siguro naman makakabuo na ang mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Looks like kinakarir na nga nila ang second honeymoon at malamang early next year, buntis na si Heart.

Kasalukuyang nasa Sydney, Australia ang mag-asawa base sa Instagram post ni Heart.

Kamakailan lang ay nakita silang nasa Balesin.

Nauna nang sinabi ni Heart sa mga interview at ma­ging ni Sen. Chiz na early next year ay kailangan na nilang makabuo.

 

Yen Santos

Yen Santos nahirapan kay Piolo

In fairness kay Yen Santos, pinupuri ang acting niya sa Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nina Jericho Rosales and Arci Muñoz.

Ayon sa ilang netizens, malaki ang improvement ni Yen. Last week of October lang siya nag-join sa naturang primetime series ng ABS-CBN.

Hindi pa gaanong natatagalan si Yen sa showbiz since lumabas siya sa PBB house noong 2010.

“Hindi ko po inexpect na papasok ako sa show. Biglaan lang po talaga. Nung sinabi sa akin na-excite po ako sobra kasi gusto ko po talagang makatrabaho si Echo,” sabi niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya ang magaling na actor.

“Thankful po ako kasi ang bilis ko po naging komportable sa kanya kasi ang bait niya. Ang gaan niya pong katrabaho,” say niya.

Kung sabagay hindi naman ito ang first time na nakipag-trabaho siya sa isang bankable actor.

Naging leading lady na siya nina JM de Guzman and Albert Martinez sa primetime soap na All of Me na umere last year.

Noong 2014 ay namayagpag din siya sa local adaptation ng Korean series na Pure Love  opposite Joseph Marco, Matt Evans and Arjo Atayde with Alex Gonzaga.

Bukod sa Magpahanggang Wakas, leading lady din siya ni Piolo Pascual sa Regal movie na Once In A Lifetime na 60% nang tapos pero wala pang naka-schedule na playdate.

Sa New Zealand pa kinunan ang karamihan sa kanilang mga eksena sa Once In A Lifetime.  “Sobrang memorable po ng experience kasi first movie ko po ito, sa New Zealand pa at si Papa P pa ang kasama ko,” she gushed.

Kumpisal ni Yen, hindi naging madali sa umpisa ang magkatrabaho ang ultimate heartthrob, but for good reasons.

“Nung una kasi natutulala po ako palagi kay Papa P. Sobrang gwapo niya po,” kuwento ni Yen. “Sobrang surreal lahat,” dagdag niya na aniya ay kakaibang love story tatakbo ang kuwento ng pelikula nila.

Habang hinihintay ang pelikula nila ni Papa P., catch more of Yen sa Magpahanggang Wakas, weekdays after FPJ’s Ang Probinsyano.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: