PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jessy inilabas na ang nararamdaman kay Luis

Luis Manzano at Jessy Mendiola

Hindi na raw nagpapaapekto si Jessy Mendiola sa mga mapanirang salitang ibinabato sa kanya ng ilan. Nakararanas ng online bashing ang aktres mula nang maugnay siya kay Luis Manzano.

May ilang mga nagsasabing si Jessy diumano ang naging dahilan ng hiwalayan nina Luis at Angel Locsin noon. “Kapag alam mong hindi totoo ang isang bagay, hindi ka maaapektuhan, huwag na lang. Mas masaya ang buhay, mas magaan kapag bibitawan mo ‘yun,” nakangiting pahayag ni Jessy.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pagpo-post ng dalaga sa kanyang Insragram account ng larawan nila ni Luis na magkayakap. “Spur of the moment lang. ‘Di ba kapag may nararamdaman ka, parang sige na nga, post ko na nga. Nandoon na ‘yung wala ka ng pakialam sa iisipin ng ibang tao,” paliwanag ni Jessy.

Sa ngayon ay maayos at masaya raw ang relasyon nila ni Luis. “Okay naman po, masaya kami. It’s peaceful. Sa isang bagay na ganito, kapag alam n’yo na masaya kayo, alam n’yong wala kayong sinasadya na bagay or sinasagasaan na tao, kapag malinis ang konsensya n’yo, just go on with your lives. At the end of the day, kami ang masaya. So kung anong negative na ibato sa amin, nasasalag ‘yon ng saya namin,” pagbabahagi ng aktres.

Posible kayang maging magkaibigan sina Jessy at Angel sa mga susunod na buwan o taon? “I’m not saying na talagang chummy na friends pero panahon lang ‘yan. Para sa akin talaga, kung saan siya masaya, okay. Kung saan ako masaya, iyon. May mga kanya-kanya kaming buhay. It’s such a waste of energy kung palagi na lang tayong nagagalit para sa isa’t isa para sa wala. Blooming naman siya ngayon. Ano pang sense kung bakit kailangan pa nating i-push ‘yung issue na ‘yun?” makahulugang sagot ng aktres.

Daniel namimili kung philosophy o psychology ang gustong kurso

Kung mabibigyan ng pagka­kataon ay talagang gustong ma­katapos ng kolehiyo ni Daniel Padilla. Matagal na raw itong pinapangarap ng aktor at gusto niya itong mangyari para sa kanyang kinabukasan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Ang sarap pa rin ng pumapasok ka sa school talaga. Siyempre may mga natututunan ka talagang mga bagay na hindi mo basta-basta matututunan. Iba ‘yung may knowledge ka, iba ‘yung dire-diretso kang natututo. Gusto ko ng Psychology, gusto ko ng Philosophy. Meron akong kasama sa kurso na ‘yun, ‘yung tito ko,” bungad ni Daniel.

Ayon sa aktor ay naging malaking impluwensya sa kanyang planong ituloy ang pag-aaral si Kathryn Bernardo at ang ina ng aktres. “Lagi ‘yan, ‘Mag-aral ka na, DJ.’ Okay naman,” kwento ng aktor.

Samantala, pinaghahandaan na ngayon ang bagong proyekto ng KathNiel para sa susunod na taon. “Siyempre very excited ako sa lahat ng projects na binibigay dahil iba na naman siyempre ang tema nito and challenge na naman ito sa amin ni Kathryn kung paano namin ipapakita sa mga tao. Siguro gagawa tayo ng mas light. Kasi doon sa Barcelona, medyo mabigat. Gagawa tayo ng light na movie pero may puso pa rin,” pagtatapos ni Daniel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: