PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jessy at Angel maghaharap!

Jessy

MANILA, Philippines – Uy may mangyari kayang isnaban or besohan between Jessy Mendiola and Angel Locsin ‘pag nag-guest si Angel sa Banana Sundae kung saan isa sa mainstay ay si Jessy?

Yup, naka-schedule raw mag-guest si Angel sa Sunday gag show ng ABS-CBN na matagal-tagal na ring mainstay si Jessy.

Si Angel ang ex at si Jessy ang current ni Luis Manzano.

Maaalalang nagkaroon ng tension sa dalawa sa social media dahil sa naunang akusasyon noon ni Angel na nagkaroon ng third party sa relasyon nila ni Luis na mabilis naman itinanggi ng kampo ni Luis.

Matagal na raw silang split ni Angel nang pumasok sa eksena si Jessy.

Kris nagregalo ng P50-K sa pinagagawang simbahan ni AiAi

Wow, nag-donate si Kris Aquino ng P50,000 para sa cons­truction ng Kristong Hari Church. Ang Kristong Hari Church ang simbahang tinutulungan ni AiAi delas Alas na ipatayo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Obviously invited si Kris sa Thanksgiving Mass and Solemn Investiture  of the Pro Ecclesia et Pontifice Award kay AiAi na gaganapin bukas, November 11, 3:00 p.m. sa Cathedral of the Good Shepherd, Novaliches QC.

Nakalagay kasi sa invitation para bukas na ‘in lieu of gifts, accept my heartfelt gratitude for your generous donation for the construction of Kristong Hari Church.’

Si Diocese of Novaliches His Excellency Most Reverend Antonio Tobias DD ang na­ngunguna sa pag-iimbita para sa seremonya na magaganap bukas kasabay ng birthday ng comedy queen.

Matagal-tagal nang may isyu kina Kris at AiAi though consistent ang huli na sa puso at isip niya, napatawad na niya kung anuman ang nangyari sa kanila ng kanyang dating BFF na si Kris.

Nakita ang nasabing donation ni Kris nang i-post ni Ms. Ai ang check na donation ng TV host/actress na balitang hindi makakadalo kaya nag-donate na lang dahil nataon daw ito sa sked nang pagpunta nito (Kris) sa Davao.

Wish na nagkamali sa pagbasa sa nanalo Harvey bumida sa US election

Maraming naghahanap kahapon kay Steve Harvey, ang American TV host na nagkamali sa pagbasa sa nanalong Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Si Miss Colombia ang una niyang tinawag na winner. Pero bumalik si Harvey sa stage at nag-apologize. Nagkamali raw siya ng binasang nanalo.

Gustong marinig ng Clinton supporters na nagkamali lang nang pagbasa si Harvey kay now US President Donald Trump at ang totoong nagwagi ay si Hillary Clinton. Hoping sila na lalabas si Harvey at mag-a-apologize at sasabihing si Hillary Clinton ang nanalo.

Hahaha.

Anyway, definite na ang pagdating sa ‘Pinas ni Harvey para mag-host ng Miss Universe 2016 na gaganapin sa bansa sa January 2017.

Ito ay kahit naunang nagpahayag ng pagtutol ang Pangulong Duterte.

Ayon sa naunang statement ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo, may contract ang American host sa Miss U Org kaya walang choice. Ang iaapela lang daw nila ay ang magkaroon si Harvey ng co-host na Pinoy.

Dalawang Alena, nagkita na sa wakas!

Sa isang lifestyle event nagkita sina Gabbi Garcia at ang dating gumanap bilang Sang’gre Alena na si Karylle. Isang precious moment daw ito para sa mga Encantadiks dahil sa wakas ay nagkaroon na ng personal encounter ang dalawa.

Matatandaang hindi nagkita sina Gabbi at Karylle sa ginanap na get-together ng Encantadia cast kamakailan, kaya nagbunyi ang mga netizens nang magkita at makapagpa-picture na sila sa isa’t isa.

Itinuturing na rin ito ni Gabbi bilang maagang regalo sa kanyang nalalapit na 18th birthday. Hasne ivo live (Happy birthday), Gabbi!

Baes mabilis natupad ang pangarap

Hindi madali maging millennial dahil madalas silang ituring na masipag at ambisyoso, pero mas maraming nagsasabing sila’y makasarili, tamad, mapusok at ang pinaka-spoiled na henerasyon sa kasaysayan.

Ang anim na Baes na sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, John Timmons, and Kim Last ng Eat Bulaga ay mapapanood na sa GMA-7 late morning show na Trops.

Ang nasabing show ay tungkol sa mga pinagdaraanan ng mga millennial. Kasama nila sa Trops ang 16-year-old na si Taki na unang sumabak sa showbiz sa series na Calle Siete.

Sabi ni Kenneth, hindi sila nainip habang iniintay nila ang kanilang big break.

“Hindi namin inexpect ito,” sabi niya. “Hindi namin deserve ito, pero may goal kami sa sarili namin na gagalingan namin at magiging idol kami ng mga kabataan.”

“Sa isang taon na yun, hindi natin maiiwasan ‘yung may away. Normal sa isang grupo yun, e. Doon namin na-improve sa sarili namin kung paano masosolusyonan yung mga problema,” sabi ni Joel, na iniwan ang kanyang trabaho bilang call center agent para matupad ang pangarap na maging artista.

Sabi ni Jon na isang Filipino-American: “The only competition is ourselves. So as long as we do better than yesterday, then that will bring us closer to the top. That’s all that matters.”

Sulit ang paghihintay ng mga Baes dahil pumalo mula 6.2 hanggang 6.4 percent ang ratings na nakuha ng Trops sa unang linggo nito.

Hindi lamang nila ito ginagawa para sa sarili nila.

“I believe in never stop learning. I always want to inspire people of my age na you don’t have to be 18 to know what you want to do in life. I knew what I wanted to do with my life when I was 14-years-old,” ika ni Taki

Ayon naman kay Kim, “The happiest part of showbiz is that you can be someone. At the end of the day, you know you’ve done something good if you’ve inspired someone.”

Mapapanood ang Trops bago mag Eat Bulaga sa GMA-7.                                                                             

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: