PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ate Vi ayaw makisawsaw sa love life ni Luis

Governor Vilma Santos

Si Jessy Mendiola ang sinasabing bagong kasintahan umano ni Luis Manzano ngayon. Matatandaang nakumpirma ang muling hiwalayan ng aktor at ni Angel Locsin ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon sa ina ni Luis na si Vilma Santos ay hindi naman niya pinanghihimasukan kailan man ang pakikipagrelasyon ng kanyang panganay na anak. “Alam niya kung saan siya masaya, alam niya ang tama, alam niya ang mali. I am just here to guide him. He is old enough, mature enough to handle his life,” makahulugang pahayag ni Ate Vi.

Maraming beses na ring nakasama at nakausap ng politician-actress si Jessy dahil naisama na ni Luis ang dalaga sa maraming okasyon. Hindi raw pini-pressure ni Ate Vi na mag-asawa at bumuo na rin ng sariling pamilya si Luis. “Hindi  ko pwedeng panghimasukan kasi ang mas worse, magdesisyon siya tapos masisira rin. Siya naman ang nakakaramdam noon eh,” giit pa niya.

Angelica hindi na naniniwala sa kasal!

Nagbago na raw ang paniniwala ni Angelica Panganiban tungkol sa pag-aasawa dahil na rin sa kanyang mga naging relasyon at karanasan sa buhay. “Hindi ko alam eh, ayoko naman tumanda mag-isa. Pero and idea lang sa akin ay hindi tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone. Anak man ‘yan o lalaki or best friend. Kahit na sino basta ayoko lang tumanda mag-isa,” nakangiting bungad ni Angelica.

Nagkaroon na ng ilang kasintahan ang aktres noon at marami siyang mga natutunan mula sa mga naranasan niya. “Magtira ka sa sarili. ‘Yon ang ginawa ko, nagtira. Mali yata ‘yun eh. Kaya ‘yung susunod ko, hindi ko na siya ulit susundin. Buong buo na naman, gano’n. Pero kailangan mo tanggapin ‘yun na eventually na kung hindi para sa iyo, hindi para sa iyo. Kung para sa iyo eh ‘di salamat. Pero kung hindi, move on tayo at bili tayo ng maraming pusa saka aso,” natatawang pahayag ng aktres.

Hindi pa nakikita ni Angelica na nakahanda na siyang magpakasal kaagad kung sakaling magkakaroon muli ng kasintahan. “Hindi siguro in the near future pero alam n’yo ang isip naman ng tao nagbabago ‘yan and baka ma-misquote lang ako. Nirerespeto ko lahat ng mga taong nakakita ng kanilang partners at successful sa kanilang married life. And how I wish ‘di ba, someday nga ay maging gano’n ang mangyari sa akin,” paliwanag ng dalaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ngayon ay wala pang kasintahan si Angelica pero naniniwalang makikilala rin ang lalaking makakasama niya sa habambuhay. “Wala pang nakakapagpaniwala sa akin na kayang i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habambuhay. Siguro kasi ngayon nasa stage ako na ako lang, ako lang muna. Pagsisilbihan ko muna ang sarili ko, mamahalin ko muna ang sarili ko. Kaya hindi ko pa siguro nakikita na dini-dedicate ko ‘yung sarili ko. Hindi ko pa siya kaya ibigay ng buong-buo. Kaya hindi ko pa masagot ‘yung tanong na kaya akong ikasal. Hindi ko pa naman siya naiisip so far,” paliwanag ni Angelica.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: