PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

John Lloyd hindi napigilang umiyak sa Venice!

MANILA, Philippines - Muling gumawa ng ingay ang pelikulang Ang Babaeng Humayo sa North American premiere nito sa Toronto International Film Festival (TIFF). Katatapos lang nitong gumawa ng kasaysayan sa pagkapanalo sa prestihiyosong Golden Lion for Best Film sa Venice Film Festival na first na natanggap ng pelikulang Pinoy.

Sa review na isinulat ni Lorenzo Esposito ng Cinema Scope, sinabi niya na “If there’s someone who thinks that The Woman Who Left is a minor Lav Diaz film—because it’s the second one this year, or because, at 227 minutes, it’s “short” for him—let’s say up front that this is one of his best.”

Samantala, binigyan naman ni Ben Nicholson ng Cine Vue ng four out of five stars ang pelikulang prinoduce ng Cinema One Originals at Sine Olivia at inilarawan pa ang pagganap ng lead star na si Charo Santos bilang “incredible” at “magnetic.”

Sa isang interview sa kanyang pagdating sa Toronto, ipinahayag ni Charo kung gaano siya kasaya para kay Lav at sa Golden Lion award.

“Nakaka-proud, nakakatuwa and I am very happy for Lav Diaz. He really deserves this. Nung nag-usap kami noong Marso sabi namin gagawa lang kami ng pelikula. We will just going to have fun. But this is more than just having fun. This is a great adventure and really a most unforgettable moment,” sabi ni Charo.

Tampok sa Ang Babaeng Humayo, na may international title na The Woman Who Left, ang kwento ni Horacia (Charo Santos), isang babaeng naghahanap ng paghihiganti matapos siyang makulong ng mahabang panahon para sa isang krimeng hindi niya ginawa.

Bukod sa cinematic masterpiece ni Lav at pagbabalik-pelikula ni Charo, isa ring dapat abangan ng manonood ang mapanghamong pagganap ni John Lloyd Cruz bilang trans prostitute na si Hollanda.

Sa isang panayam sa TV Patrol, inilarawan ni John Lloyd ang kanyang karakter.

 “Nagbibihis babae siya. Pero ‘di siya operada. Si Hollanda ay binago ng character ni mam Charo sa story.”

Binalikan niya rin ang kanyang Venice Film fest experience at ibinahagi ang emosyonal na sandali.

“I was trying my best na hindi pumatak ang luha ko. Pero I can’t help but be really emotional. For me it’s a defining moment for PH cinema. Nilapitan din kami ng jury sa after party at sinabi how the film affected them.”

Luna awards wala na talagang ingay

Wala na namang kaingay-ingay ang gaganaping 34th Luna Awards ng Film Aca­demy of the Philippines (FAP) sa Linggo, September 18, sa Quezon City Sports Club.

Ilang taon na ring low profile ang awards night nila pero nagtataka lang ang iba kung anong nangyari dahil ilang taon ding naging magarbo ang kanilang awards night na mala-Oscars ang concept.

Ano raw bang nangyari? Ang in charge noon sa awards night ay si Albert Martinez.

Tinanggalan ba raw ng budget ang FAP na grupong namili rin sa Ma’ Rosa para isubok kung mapipili sa final selection ng Best Foreign category ng Oscars?

Ayon sa kanilang website: mamimigay sila ng award sa 12 categories.

Ang mga sumusunod ang special awards:

The Golden Reel award to Vilma Santos

The Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award to Director Emmanuel H. Borlaza

The Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements to Director/Actor Herminio ‘Butch’ Bautista

The Lamberto Avellana Memorial Award to the late Mrs. Azucena ‘Nene’ Vera Perez of Sampaguita Pictures

A Plaque of Appreciation to Jaclyn Jose for winning the best actress trophy during the 69th Cannes Film Festival held last May.

Kasal nina Cristalle At Justin super perfect daw

(Pitture) Perfect  (hashtag nila) kung ilarawan ng mga kaibigan ni Cristalle Belo ang naganap na kasalan nila ng napangasawang si Justin Pitt. Mula sa location, weather, table set up, food, everything, perfect base sa mga litratong ina-upload nila sa social media. Kabilang si Ruffa Gutierrez sa mga dumalo sa kasalan.

Ikinasal sila noong isang araw sa Lake Como, Italy kung saan may villa sina  George Clooney at Amal Alammudin.

Ang bestfriend ni Cristalle na si Frank Briones ang nagpakilala sa bagong mag-asawa.

Hotelier ang napangasawa ni Cristalle at ang kuwento ng isang malapit kay Dra. Vicki Belo, nagpa-plano ang bagong mag-asawa na magbukas ng boutique hotel sa Palawan na ima-manage ng bagong kasal.

                                                                                               

Please follow me on        Twitter and        Instagram: @salveasis

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: