PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kumpirmado, Angel tuloy na sa Darna!

Angel Locsin

Sa dinner get-together hosted by ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak para sa mga officer and members ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) kasama ang mga top-executives ng ABS-CBN tulad nina Cory Vidanes, Malou Santos, Deo Endrinal at iba pang business unit heads ng Kapamilya network, personal naming tinanong ang big boss ng Star Cinema na si Malou Santos kung totoong balik kay Angel Locsin ang pelikulang Darna at hindi na ikinaila ng lady executive.

Since ang information ay nanggaling na rin mismo kay Malou, puwede nang kumpirmahin na walang ibang choice na gumanap sa papel na Darna kundi si Angel lamang. Otherwise, matagal na sanang nagbigay ng ibang pangalan ang Star Ci­nema para pumalit sa aktres na maalalang umatras sa proyekto dahil sa kanyang pagkakaroon ng back ailment (disc bulge sa spine).

Ngayon namin lubos na nauunawaan kung bakit tahimik lamang ang Star Cinema all this time dahil hinintay lamang nila na gumaling si Angel.

Unti-unti na ring nagti-training si Angel ng ilang physical activities at kasama na rito ang mountain hiking at scuba diving. Ngayong kumpirmadong si Angel na muli ang gaganap sa papel na Darna, tiyak na magbubunyi ang kanyang mga tagahanga.

Georgina hindi agad nalamang preggy na

Kung nakapagsilang na si Iya Villania-Arellano sa first baby nila ni Drew, ipinagbubuntis naman ngayon ni Georgina Wilson ang kanilang magi­ging unang supling ng British businessman-husband niyang si Arthur Burnand.

Sina Georgina at Arthur ay ikinasal noong April 30, 2016 sa St. Peter Church sa Winchester, United Kingdom na dinaluhan ng kanilang respective families and friends sa London at sa Pilipinas particular na ang close friends ni Georgina na sina Solenn Heussaff, Isabel Daza, Anne Curtis, Liz Uy at iba pa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Bago nag-asawa ay nakarelasyon ni Georgina sina Richard Gutierrez at Borgy Manotoc. Si Georgina ay nasa kanyang ika-apat na buwan na ng pagbubuntis at recently lamang niya nalaman na siya’y nagdadalang-tao.

Rufa Mae aligaga rin sa pagbubuntis

Ang isa pang buntis ngayon ay ang soon-to-be-bride na si Rufa Mae Quinto courtesy of her fiancé, ang US-based na si Trevor Magallanes.

Kung tapos na ang wedding gown ni Rufa Mae, tiyak na kailangan itong i-alter para mag-fit sa kanyang present condition.

Kung excited sina Rufa Mae at Trevor sa kanilang nalalapit na pag-iisang-dibdib, excited din ang dalawa sa nalalapit nilang pagiging first-time parents.

Matutupad na rin sa wakas ang matagal nang pinapangarap ni Rufa Mae na magkaroon ng sari­ling anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: