PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis negatibo rin sa droga!

Luis Manzano

MANILA, Philippines – Nagpa-drug test na si Luis Manzano kahapon. As expected, negative ang resulta. Ang positive lang daw, ayun kay Luis ay ang kanyang kagwapuhan. Hahaha.

“Drug test done in Camp Crame under Chief Trampe of the PNP Crimelab, sa ka­gwapuhan lang ako positive,” caption ni Luis sa resulta ng drug test kahapon sa kanyang social media accounts.

Isa lang si Luis sa sumunod sa naunang 40 Kapamilya artists na nagpa-drug test.

Actually, hindi na raw ngayon nakakatakot magpa-drug test dahil may mga testing center na hindi na nalalaman kung kaninong blood or urine ‘yung tini-test nila. May number code lang daw ito kaya walang chance na i-tsismis kung maging positive man ang isang artista sa drug test. ‘Yun nga lang, baka mas mahal ang charge sa ganitong testing center.

Ang karaniwan kasing nagkakalat ng kuwento sa mga ganitong proseso ay ang nagti-test, pero kung hindi nakalagay ang pangalan ng nagpapa-test, walang kakalat na kuwento.

Going back to Luis, sana tularan siya ng iba pang showbiz personalities. Para na rin malinis ang showbiz sa isyu ng droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Till I Met You panalo sa ratings

Bongga, inabangan at tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik primetime ng phenomenal love team nina James Reid at Nadine Lustre kaya naman nanguna sa national TV ratings ang pilot episode ng seryeng  Till I Met You noong Lunes (Aug 29).

Nagkamit umano ito ng national TV rating na 28.2%, higit na mataas kumpara sa katapat na palabas nitong Descendants of the Sun na nakakuha lamang ng 17.2% ayon sa Kantar Media.

Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa pagbabalik primetime nina James at Nadine sa pag-ulan ng sari-saring papuri para sa serye, dahilan para mag-trend sa Twitter ang official hashtag na #TIMYLoveBegins at makakuha ng higit 1 million tweets.

Heart Evangelista-Escudero, mixed emotions sa pagtatapos ng Juan…

Ngayong Biyernes (Setyembre 2) na ang finale ng top-rating GMA Telebabad show na Juan Happy Love Story at sa nalalapit nitong pagtatapos ay hindi mapigilan ng Philippine TV’s Sweetheart na si Heart Evangelista-Escudero na mag-post na kanyang pasasalamat para sa lahat ng mga tumangkilik, sumuporta at nagmahal sa programa. Aniya,  “This show made me fall in love with my craft all over again. Thank you GMA for believing in me and pushing me to do something I never thought I could possibly do. Thank you to our directors, writers, hardworking crew to EVERYONE! My goodness. This show was amazing and will always always be close to my heart.”

Lovi mabilis nagkainteres kay Tom

Mabilis palang nagustuhan ni Lovi Poe ang kuwento ng seryeng Someone to Watch Over Me na magsisimula nang mapanood sa Lunes. Ito ang first project ni Lovi sa kanyang bagong contract sa GMA 7.

Bukod sa kuwento nito, ayon kay Lovi bago sa kanya ang pakikipag-trabaho kay Tom Rodriguez na gaganap bilang asawa niya na nawawalan ng memorya (TJ). Ganun din ang muling pakikipag-trabaho niya kay Direk Maryo J. Delos Reyes.

She plays Joanna, isang working class sa Vigan na na-in love ng sobra kay TJ. Ikinasal sila at nagkaanak. Naging maayos ang lahat sa kanila pero nakaramdam ng kakaiba si TJ. At doon nadiskubre ang kanyang early onset of Alzheimer’s disease.

Itinago ito ni TJ kay Joanna pero hindi ito nagtagal. Nahalata nito ang pagiging mabilis makalimot ng mister.

Hanggang nalaman ni Joanna ang tungkol sa inililihim nito. Inihanda niya ang sarili para sa asawa, sakripisyo para maalagaan ito.

Pero may kakaibang bagay na kailangan isakripisyo na malalaman sa pagsisimula ng Someone to Watch Over Me  sa September 5 sa GMA Telebabad.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: