PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel at Jessy malapit nang matapos ang bangayan!

Angel Locsin

May lovelife na pala si Angel Locsin. Matatapos na marahil ang away nila ni Jessy Mendiola na pumalit sa kanya sa puso ni Luis Manzano. Kung ano ang pinag-awayan nina Luis at Angel ay hindi alam ng lahat. At lalong malabo sa kanila ang dahilan ng hindi magandang pagtanggap ni Darna ng kinahi­nat­nan ng relasyon nila. Wala naman sigurong dahilan para habulin niya si Luis, pero ito ang konklusyon ng lahat sa mga nangyayari sa kanila ng kanyang ex.

Sa wakas ay nakakita na raw si Angel ng bagong pag-ibig. Anak daw ito ng isang pulitiko. Pero ma­ti­gas ang pagdi-deny ng aktres sa sinasabing relasyon nila. Relasyon ba ang kapupuntahan nila o pagiging magkaibigan lamang?

Kris nakakita ng pag-asa kay Tony Tuviera

Mabuti nga kung sa kumpanya ng mga pro­dyuser ng Eat Bulaga magaganap ang pagbabalik ni Kris Aquino sa showbiz. Malaki na ang kumpanya ni Tony Tuviera na dati ay ang Eat Bulaga lamang ang proyekto, pero ngayon ay gumagawa na ng mga pelikula at palabas sa TV. Balitang hindi nagkarooon ng pagkakasundo sa pagitan nina Kris at ng mga namumuno ng ABS-CBN kung kaya naghanap ng malilipatan ang dating presidential sister. At baka nakaapekto sa kanilang ne­go­sasyon ang naunang paglabas ni Kris sa istasyon ng GMA, sa morning show ni Marian Rivera kung kaya napadpad siya sa kampo ng mga Tuvie­ra. Hinihinala rin na kung ‘di man siya gagawa ng proyekto ay makikipagkoprodyus naman siya sa pamilya.

Dingdong at Sen. Chiz kailangan nang makialam kina Marian at Heart

Hanggang ngayon pala ay hindi pa tapos ang pagsasabong kina Marian Rivera at Heart  Evangelista-Escudero. Kung bakit naman kasi hinahayaan ito ng mga asawa nilang sina Dingdong Dantes at Sen. Chiz Escudero na inabot ng ganito kalala ang kanilang sigalot. Sana ay agad na silang gumitna para matigil na agad ang away ng mga asawa nila. Sa tanggapin man nila o hindi ay nakakalalaki na ang girian ng dalawa. Soon ay hindi na ito mapipigil, pero madali lamang sa aktor at senador na magsa­bing “Tumigil na kayo!” at siguradong titigil ang mga asawa nila sa bangayan nila.

Pangingialam ni Coco sa Probinsyano hindi raw pinapaboran ng lahat

Puwede bang hindi mainggit si McNeal “Aura” Bri­gela sa magandang kapalaran ni Simon “Onyok” Pi­neda na madadala ni Coco Martin sa New York para sa palabas ng ASAP? Parehong kasama ang dalawang bata sa Ang Probinsyano at kasama rin sa pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) movie nina Coco at Vice Ganda.

Pero para hindi magkaron ng gulo, tanggapin na ni McNeal na talagang mas nauna sa kanya sa puso at pagtatangi ni Coco si Onyok at matatagalan pa marahil bago siya mapalapit sa puso nito gaya ni Onyok.

Speaking of Coco, may mga hindi umaayon sa ginagawa niyang “pakikialam” umano sa takbo ng serye, pero siguro naman ay binigyan ito ng karapatan ng mga prodyuser na makasali sa creative team na nag-iisip ng mga paraan para hindi humulagpos ang manonood nito at magpatuloy ang magandang takbo ng kuwento.

Balitang masaya si Vice dahil malaki ang idinag­dag sa ratings ng AP ang ginawa niyang paggi-guest.

Rafael at Rhian parang nagkaka-inlaban na

May tsansa na mahulog ang loob sa isa’t isa nina Rafael Rosell at Rhian Ramos na gumaganap na mag-asawa sa Sinungaling Mong Puso. Maganda ang atake na ginagawa ng dalawa sa kanilang mga role na maski si Rep. Vilma Santos ay napapahanga dahil makatotohanan ang kanilang akting.

Kaisa ni Rhian ang pulitiko sa pag-asam ng pagkakataong magantihan ang walang puso niyang asawa sa hindi magandang trato nito sa kanya pati na sa babaeng sumisira ng kanilang marriage. Para tuloy maaalala sa kanila ang kaso ni Sunshine Dizon at ng kanyang asawa. Mas masuwerte nga ang aktres dahil nadala na sa korte ang kaso nila pero ang character ni Rhian sa SMP ay hindi ito magagawa dahil mayor si biyenan at sakop nito ang lugar na tinitirhan nila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: