PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis napabilib sa katapangan ni Jessy

Luis Manzano

Mas naging malapit sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa isa’t isa mula nang makaranas ang dalawa ng online bashing. Maraming bashers ang nagbabato ng masasakit na salita tungkol kina Jessy at Luis. “To go through that? It definitely made us stronger. I appreciated her more, her strength, mas bumilib ako sa kanya. Mas malaki lang akong tao pero she’s way stronger than I am,” nakangiting pahayag ni Luis.

Nagsimulang ma-bash si Jessy nang masangkot sa paghihiwalay muli ng aktor at Angel Locsin kamakailan. Mas tumindi ang mga pambabatikos ng bashers nang tanghalin si Jessy bilang Sexiest Woman ng FHM kung saan pang-apat lamang si Angel ngayong taon. “Ang taong naghahanap ng mali ay makakahanap ng mali. They don’t want to understand the other side of the spectrum. To begin with, they never liked her. So they wouldn’t put any effort into understanding her, ganoon naman talaga. I’m not going to knock into people’s houses, saying, ‘Hey! Like me.’ No, you don’t like me? Fine,” makahulugang paliwanag ng aktor.

Samantala, nilinaw din ni Luis na hindi pa sila magkasintahan ni Jessy katulad ng mga napababalita ngayon. “Wala pang formality, wala pa. We are just enjoying this journey. It’s a journey filled with road bumps and we’re just going to enjoy everything, both the good moments and the bad,” pagbabahagi ng binata.

Cloie gustong maging Pia Wurtzbach

Todong paghahanda na ang ginagawa ng anak nina Gabby Concepcion at Jenny Syquia na si Cloie Syquia Skarne para sa pagsali sa Miss Universe Sweden. Kasalukuyang nasa Pilipinas ngayon ang dalaga para sa special training para sa nasabing beauty pageant.

Pinili raw ni Cloie na dito sa bansa mag-train para maranasan din ang ginawang training noon ng kasalukuyang Miss Universe na si Pia Wurtzbach. “Everyone here is so supportive. I think that’s something that drew me here. And also, there are really good trainers here as well. I think that could really help me in the Miss Universe Sweden pageant,” bungad ni Cloie.

“It’s been fun, I’ve been training on walking and question and answer and I’m learning because I didn’t have any training before this pageant. I have no background so it’s all new. I’m just learning all the basics that I’m going to have to need,” dagdag ng dalaga.

Masayang-masaya si Cloie dahil suportado siya ng buong pamilya sa kanyang mga ginagawa. Aminado rin ang dalaga na nakararamdam na ng pressure para sa nalalapit na kompetisyon. “I just think it’s great to try to live up to the expectations although it is hard as well. If anything, it just helps me, motivates me and makes me work harder for my goal,” nakangiting pahayag ni Cloie.

Kung sakaling maiuuwi ang korona bilang Miss Universe Sweden ay excited na raw ang dalaga para sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon. “It will be extremely exciting to be in the Miss Universe pageant that’s going to be here in the Philippines which is also a country that is very close to my heart,” pagtatapos ni Cloie.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: