PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel laman na naman ng gym, nagri-ready na uli sa Darna

PIK: Si Vice Ganda pala ang itinuturing ni Angeline Quinto na confidant niya kapag may problema sa lovelife. Nagkuwento si Angeline sa presscon ng That Thing Called Tanga Na kung paano niya ginulo ang comedian-TV host nu’ng nagka­problema siya sa lovelife. “Si Ate Vice ang tinawagan ko dahil isa siya sa pina­kamalapit sa akin. Akala ko maga­galit siya, kasi iyak ako nang iyak nang tumawag ako sa kanya. Nandun pala siya sa bahay ng dyowa niya,” sabi ng singer na komedyante na rin ngayon.

Ganundin si Billy Crawford, isa si Vice Ganda sa mga bading na pinakamalapit sa kanya at tinu­lungan pa nga raw siya kung paano niya gampa­nan nang mabuti ang role bilang bading na se­cu­rity guard sa naturang pelikula na magsu-sho­wing na sa August 10.­

PAK: Naintriga si Anthony ‘Ka Tun­ying’ Ta­berna na baka siya raw ang nasa blind item na lili­pat ng kabilang network dahil matatapos na ang kontrata nito sa ABS-CBN 2.

Nagbukas na ang bagong branch ng KaTunying’s Café and Bakery sa may Timog Avenue, ka­ta­pat lang ng GMA-7, kaya naiintrigang tatawid na rin siya ng GMA-7. Sagot ng kilalang radio and TV personality,“Ang ABS-CBN ay napaka-supportive naman sa career ko hanggang sa ngayon. Maganda naman ang pagtrato sa akin ng kumpanya.

“Wala naman kaming pag-uusap pa tungkol sa kontrata namin.

“Ang kagandahan naman kasi ngayon meron silang tiwala sa akin. I’m sure magiging matagal pa ang pagsasama namin.

“As to the proximity of Ka Tunying’s Café  doon sa GMA-7, siguro maganda lang a­la­ga ‘yung pu­westo at wala naman itong kinalaman sa a­king career.”

Sa December na matatapos ang kontrata niya sa ABS-CBN 2 pero hindi pa naman daw napag-uusapan ang renewal.

BOOM: Ayaw pang kumpirmahin ng kampo ni Direk Erik Matti, pero reliable ang nagkuwento sa aming kinu-consider pa rin daw nila si Angel Locsin na gumanap bilang Darna.

May pag-uusap na kaya sa kanila ng Kapamilya actress? Nakakaintriga ang isang post ni Angel kamakailan na naka-Darna pose sa gym.

Sabi ng aming source, si Angel pa rin daw sa­na ang gusto nila, pero hindi pa makapag-com­mit ang Kapamilya actress dahil sa kalusugan nito. Pero puspusan ang pagwu-workout ni Angel sa gym kaya posibleng paghahan­da na rin daw ito. Sabi naman ng aming source, baka next year pa raw sila mag­­si­mula.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: