PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

True love ba ito? Luis gagawin daw ang lahat para kay Jessy

Luis

Wala raw planong iwan ni Luis Manzano sa ere si Jessy Mendiola. As in handa raw itong (Jessy) ipagtanggol ng TV host/actor kahit napakaraming bashers matapos manalong FHM’s Sexiest for this year.

Wala raw problema kay Luis kahit mapasama siya, ma-protektahan lang niya si Jessy.

Wow. True love na kaya ito?

Piolo bibiyahe ng Switzerland

Definite na sa August ang alis ng grupo ng  Regal Films with Piolo Pascual for Switzerland para mag-shooting sa kauna-unahang pelikula ng actor sa film company nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Ten days tatagal ang grupo nina Piolo and Direk Manny Valera na siyang mamahala sa shooting doon.

Ididirek ang pelikulang may pamagat na Once In A Lifetime ni Dondon Santos. Ang Kapamilya actress naman na si Yen Santos ang napisil na leading lady ni Piolo sa naturang pelikula na co-producer ang Star Cinema and Spring Films na pag-aari ni Piolo kasama ang ilang kaibigan including Direk Joyce Bernal. Siyanga pala, kaka-launch lang ni Papa P.  and Judy Ann Santos para sa kampanya na Money For Life ng Sun Life Financial.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mismong sina Mother Lily at Ms. Roselle ang nag-confirm tungkol sa nasabing proyekto ng actor sa kanilang kumpanya. Pero hindi raw ito pang-Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon kay Ms. Roselle kakaibang love story ang Once In A Lifetime na matagal na nilang inire-reserba kay Piolo.

Bukod sa shooting sa Switzerland, tutulak din ang grupo ng Regal sa Shanghai para naman sa shooting ng bagong version ng Mano Po na pagbibidahan ni Richard Yap at intended for MMFF 2016.

Though inaayos pa nila ang script pero oras na maayos na raw ang kuwento nito na pinupulido nila ay tutulak na pa-China ang grupo ng Mano Po na isang Chinese director ang magha-handle ayon kay Mother Lily. Kasalukuyan ding nasa bakasyon sa Europe si Richard Yap.

Naunang sinabi ni Mother Lily na 30 movies ang nakatakda nilang tapusin at kasama na rito ang naipalabas nang I Love You To Death at ang ipalalabas na That Thing Called Tanga Na! na pinagbibidahan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero with Angeline Quinto under the direction of Joel Lamangan na showing na sa August 10.

Kaya abangan natin ang mga sunud-sunod na pelikulang gagawin nila this year.

That Thing... wagas ang hugot sa mga beking baliw sa pag in love

Speaking of That Thing…, kakaibang putahe ng pagmamahal ang hatid ng hugot comedy ng taon na mapapanood na nga sa Agosto 10.

Iikot ang kuwento ng pelikula sa limang magkakaibigan – apat na bading at isang babae – na pumasok sa kakaibang relasyon at sakripisyo matagpuan lang ang true love.

Isang mayamang lawyer at Pinoy movie fan si Eric (Ronnie Chui). Naloka siya nang madiskubre na ang kanyang batang boytoy ay may karelasyong bading na mas bata sa kanya (Eric) na isang talent manager.

Closet gay naman si Billy bilang si Baldo na isang security guard. Nawindang siya nang ma-comatose ang tagong dyo­wa. Nagpaka-girl siya sa pag-aalaga sa may sakit na ka-live in hanggang sa ito ay ma-dead. Sa halip na magluksa, nakaranas pa ng panlalait si Baldo sa ina ng namatay na boyfriend.

Owner naman si Kean (C.C.) ng  isang online clothing company. Five years na sila ng kanyang boyfriend at plinano na niya ang kasal nila sa Central Park sa New York City. Pero nadismaya siya nang malamang may girlfriend na Korean ang boyfriend na pakakasalan na. Siya ang naatasang gumawa ng wedding gown ng girl.

Isang transgender na parlorista naman si Martin bilang si Georgette/George. Suportado niya ang boyfriend pati na ang pamilya. Natupad ang pangarap ni George at ng boyfriend na bumuo ng pamilya kahit walang basbas ng estado at simbahan. Sa tulong ng asawa ng boyfriend, natupad ang wish ni Georgette!

Trying hard singer naman si Angeline as Shirley na isang events specialist. Nabuntis siya ng iresponsableng asawa at naging saksi siya sa kalokahan sa pag-ibig ng apat na kaibigan. Subalit mas lalo siyang nabaliw nang matuklasang isa sa mga kaibigang bakla ay naka-one night stand ang asawa, huh!

Hindi lang umano hugot kundi kabaliwan at ka­tangahan ang buhos sa emosyon nina Eric, Billy, Kean, Martin at Angeline sa buong pelikula ayon kay Direk Joel.

Ayon pa kay direk Joel, mahuhusay lahat ang kanyang mga artista, “Mahusay silang lahat. Nakakatawa! Makaka-identify ang lahat sa movie maski hindi bading. Universal ang approach namin!”

Siya ang lumikha ng masayang movie na Manay Po 1, Manay Po 2, Happy Together, Pusong Mamon at marami pang iba.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: