PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sagot kay Angel ni Jessy ‘malinis ang konsensiya ko’

Angel Locsin

Tinuldukan na ni Jessy Mendiola ang mga usap-usapan na nag-uugnay sa kanya sa hiwalayan nina Angel Locsin at Luis Manzano.

Madalas na nakikitang lumalabas sina Luis at Jessy kaya sinasabing ang aktres na ang espesyal sa puso ngayon ng binata. “For me, it was clear that they broke up already when Luis started courting me and babae ako, it happened to me before. I wouldn’t do that to any girl,” bungad ni Jessy.

Aminado ang aktres na nasasaktan na siya sa kanyang mga naririnig at nababasa mula nang maugnay siya kay Luis. “It hurts ‘pag sinasabi nila na for lack of a better term, ‘Ahas ka.’ Kasi labas ako sa kanila and what happened between the two of them. So ‘yung amin I think dapat labas na rin do’n. Para sa akin, malinis ang konsensiya ko, malinis ang puso ko. I would never, ever destroy a relationship. Problema na nila ‘yun kung gusto nila mag-usap about it or clear anything with each other. Huwag nila akong isasali at huwag niya akong isasali kasi alam niya sa puso niya na hindi totoo,” paliwanag ni Jessy.

Humingi na raw ng paumanhin sa dalaga si Luis dahil sa nangyayari at dumating na rin sa puntong pinatulan ng aktor ang ilang online bashers ni Jessy. “Actually si Luis kasi he kept on calling me and texting me saying sorry about what’s happening right now. What he did was he asked for my Instagram password and then he took over my account and then he blocked them one by one for me. Alam kasi niya na masakit ‘pag gano’n. ‘Yung alam mo namang hindi totoo tapos sinasabi ng ibang tao eh hindi naman nila alam ‘yung whole story,” pagbabahagi pa niya.

Joshua inggit na inggit sa ka-sweetan ng KathNiel

Kamakailan ay kasamang nag-shooting nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Barcelona, Spain si Joshua Garcia. Mukhang si Joshua raw ang magsisilbing third wheel sa tambalan ng KathNiel sa bagong pelikula ng Star Cinema. “Actually, hindi ko pa po pwedeng sabihin kung third wheel ba ako do’n o hindi. Pero maganda po ‘yung character ko do’n, importante po siya sa mo­vie. Kumbaga, kailangan talaga siyang ilabas sa movie. Kasi kasama siya sa kwento talaga,” pagbabahagi ni Joshua.

Nagpapasalamat ang aktor dahil hindi raw siya nakararanas ng online bashing mula sa mga tagahanga ng KathNiel. “Wala naman po akong natatanggap na pamba-bash. ‘Yon nga po ‘yung pinagpapasalamat ko. Kasi sobrang bait naman po nila sa akin at wala naman pong problema,” pahayag ni Joshua.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naging malapit ang binata kina Kathryn at Daniel dahil sa kanilang shooting sa Spain. “Sobrang close na po namin. Tuwing gabi do’n sa Barcelona sabay-sabay na kaming nagdi-dinner, kami nina Inang (Olive Lamasan) at hanggang pagbalik dito. Pagbalik po namin nag-bonding agad kami, nagpunta ako sa bahay nina DJ, naglaro kami ng rock band,” kwento ng baguhang aktor.

Aminado si Joshua na nainggit siya sa pagiging sweet nina Daniel at Kathryn sa isa’t isa. “Inggit nga ako eh. Sabi ko, wala akong ka-sweet-sweet-an dito. So si Inang ‘yung niyayakap ko. Sobrang sweet nila sa Barcelona,” pagtatapat ni Joshua.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: