PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel ‘matapang’ kina Luis at Jessy

Malapit nang simulan ang shooting ng pelikulang The Third Party na pagbibidahan nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Sam Milby. Maipagmamalaki raw ni Angel ang kanilang bagong pelikula dahil kakaiba ang istilo at atake nito. “Medyo matapang ang Star Cinema dito sa pagpapakita nito pero natutuwa ako kasi ito ‘yung totoo eh. ‘Yung totoong reaksyon ng mga tao, ito ‘yung totoong nangyayari sa atin. Si Direk (Jason Laxamana) kasi iba rin ‘yung approach niya sa pelikula. Ga­ling siya sa indie films na nakilala sa ibang bansa, nabigyan ng parangal. So mas present ‘yung diskarte niya,” pagbabahagi ni Angel.

Samantala, nagbigay ng reaksyon ang aktres tungkol sa pagkakamabutihan na diumano ngayon ni Jessy Mendiola at ng dating kasintahan na si Luis Manzano. “Nandoon na sila sa gano’ng buhay, so nandito naman ako sa buhay ko di ba? Parang wala akong magandang masabi, so hindi na lang ako magsasalita. Kung ini-enjoy nila ‘yung moment na gano’n, di good job,” makahulugang pahayag ni Angel.

Natanggap daw kaagad ng dalaga sa kanyang kalooban nang mabalitaan ang tungkol kina Luis at Jessy. “Kasi alam ko na naman. Alam ko naman din na darating din ‘yung panahon na aaminin naman nila na sila na. Parang may proseso kasi ‘yan di ba? Siguro binabalanse lang nila kung paano nila aaminin di ba? Pero buhay na nila ‘yun eh, iba na ako. Tinanggal naman nila ako sa eksena. So dito ako sa eksena ko rin,” paliwanag ng aktres.

Sylvia lutang pa sa pagbibida

Bukas ay magsisimula na sa Kapamilya network ang tele­seryeng The Greatest Love na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Matt Evans, Arron Villaflor, Joshua Garcia at Andi Eigenmann.

Halos hindi raw makapaniwala si Sylvia na mabibig­yan pa siya ng pagkakataon na makapagbida sa isang proyekto sa pananatili niya nang halos tatlong dekada sa industriya. “I’m thankful and blessed. I’m honored na napunta sa akin ang role na ito. Hanggang ngayon, hindi pa nagsi-sink in sa akin na ako ‘yung bida. Lagi kong sinasabi sa kanila na atin ito, pamilya tayo rito, walang ibang bida kung hindi tayong lahat. Hindi ko ito kakayanin kapag ako lang, istorya ng pamilya ito. Kukuha lang ako ng lakas sa mga anak ko,” nakangitng pahayag ni Sylvia.

Aminado ang aktres na hindi siya nangarap na magbida sa isang soap opera dahil masaya siya sa paggawa ng support role o kontrabida role.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 “Ang gusto ko talagang sundang yapak si Cherie Gil, ‘yung ganyan lang, kontrabida, steady. Kapag mawala ako, pagbalik ko kukunin at kukunin ako. Walang lokohan pero di ako nangarap na ako ang bida. Thank you Lord, kasi ibinigay niya sa akin at the age of 45, after 27 years. So lutang ako, hindi ako makapaniwala,” pagdedetalye pa ng aktres.
 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: