PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pati si Jessy umaaray na kampo ni Luis pumalag sa mga patutsada ni Angel!

MANILA, Philippines – Asking ang ilang friends ni Luis Manzano kung bakit laging damay siya sa mga interview ni Angel Locsin.

Ang katuwiran nila, January pa lang ay split na sila at halos kalahating taon na ang nakakalipas pero bakit daw ang bukambibig pa rin ng aktres ay si Luis.

Weeks ago nang unang nagpahayag si Angel na hindi pa siya nakaka-move on sa nangyaring hiwalayan nila ni Luis.

At sa story conference naman ng gagawin niyang pelikula sa Star Cinema with Zanjoe Marudo and Sam Milby na pinamagatang Third Party, si Luis na naman daw ang bida sa kanyang interview.

Pero ang ikinalungkot ng friends ni Luis, parang lumalabas sa interview ni Angel na ang third party ng hiwalayan nila ay si Jessy Mendiola na kamakailan lang inamin ni Luis na nasa dating stage pa lang sila, during the presscon of Minute to Win It, last Monday.

Aniya, noong mga panahong iyon ay wala pa sa eksena si Jessy dahil karelasyon pa nito si JM de Guzman. At kung ipinagtanggol man daw ito ni Luis kay Enrique Gil, nang magkaroon ng  ‘bastusan’ sa eroplano papunta ng London, ginawa lang daw ni Luis ang nararapat bilang isang gentleman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang panawagan ng ilang kaibigan at fans ni Luis, ‘wag naman sanang idamay ni Angel ang kanyang ex na si Luis sa Third Party dahil hindi ito kabilang sa naturang pelikula.

Saka maging si Jessy daw ay umaaray sa mga pahayag ni Angel dahil wala ngang katotohanan at pakiramdam daw nito ay nakakaladkad pa ang pangalan niya.

Paano nga raw ‘yun mangyayari samantalang noon ay may JM pa si Jessy.

Hindi raw ang tipo nina Luis at Jessy ang magi­ging two timer  or manloloko ng mga karelasyon nila.

Ano ba raw ang pinanggagalingan ng mga interview ni Angel ngayon? Bakit daw ngayon lang siya pumiyok?

Si Jessy ang waging FHM Sexiest at nakatakda itong rumampa sa susunod na linggo.

Si Luis naman ay nadagdagan ang programa, ang Minute to Win It  na nagsisimulang umere araw-araw bago mag-TV Patrol.

Si Angel naman ay may pelikula nga sa Star Cinema, ang Third Party nga.

Oh oh. Baka nga naman may nararamdaman pa si Angel kay Luis kaya ganun.

Pero ‘di ba ang balita noon, siya ang nakipag-split kay Luis.

Unless may hindi tayo alam ha.

Cai kinasal na

Kinasal na sa isang foreigner ang magaling na actress/comedian na bestfriend ng maraming bida sa pelikula at serye, si Cai Cortez, anak ng actor na si Rez Cortez.

Kasama si Cai sa launching movie nina Alden Richard and Maine Mendoza na Imagine You and Me. Housemate ni Maine together with Cacai Bautista ang role ni Cai sa Italy. Pero more on interior ang shots nila so obviously di sila nakarating ni Cacai ng Italy. Pero bongga ang role niya dahil silang tatlo ang laging magka-eksena.

Anyway, napangasawa ni Cai si Wiseem Rkhami at ikinasal sila noong Biyernes sa isang civil wedding ceremony officiated by Mayor Joseph Estrada sa Manila City Hall base sa mga litratong naglabasan sa social media.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: