PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ayaw magpakaplastik, Luis aminadong patola!

Nakararanas ng online bashing si Luis Manzano dahil sa pagkakaugnay ng aktor kay Jessy Mendiola. Napababalitang madalas daw na lumalabas na magkasama ang dalawa ngayon.

Isa si Luis sa mga artistang aktibo sa social media kaya nababasa niya ang mga post ng online bashers at ilan sa mga ito ay talagang pinatulan na ng aktor. “Bakit hindi? Pare-pareho tayong tao. Dapat ba hindi ko patulan? Bastusin mo ako, hindi kita papatulan? At the end of the day hindi ako artista, tao ako. Bastusin mo ako, babastusin kita. Ako papatulan ko, I would love to meet a basher face to face,” paliwanag ni Luis.

Hindi na rin pinapansin ng aktor ang sinasabi ng ilan na magkaiba ang pinapakita niyang ugali sa telebisyon at sa totoong buhay.

“Never ako nagmalinis so please do’n sa mga nagsasabi na, ‘May basher ka, take the high road.’ I don’t believe in the high road. Gantihan tayo, make sure na mas malakas ka sa akin. Masama ugali ko I swear and I mean that from my heart. Hindi ako nagpapaka-plastic na sa TV bait-baitan ako. Gago ako, palamura ako, bastos ako, lahat ng ‘yan sa akin manggagaling,” paglilinaw ng aktor.

Yeng gustong tulungan si Jay-R

Noong Martes ay kusang sumuko ang dating singer-actor na si Jay-R Siaboc sa mga pulis ng Toledo City, Western Cebu dahil sa paggamit nito ng illegal drugs. Ginawa raw ito ni Jay-R upang magbagong-buhay na.

Iginiit naman ng dating singer na hindi siya drug pusher katulad nang kumakalat sa social media. “Hindi naman ako galit sa kanila. Nag-try lang ako pero hindi naman ako na-addict. Gusto ko lang malinis ang pangalan ko. Hindi totoo na nagbebenta ako ng illegal na droga,” giit ni Jay-R.

Matatandaang si Jay-R ang naging 1st runner up ni Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy isang dekada na ang nakalilipas. Nagkaroon ng album at nakapagbida rin sa ilang TV series katulad ng Kapitan Boom si Jay-R noon.

Laking gulat daw ni Yeng nang mabalitaan ang tungkol sa ginawa ni Jay-R. “Una sa lahat, maganda ‘yung desisyon na ginawa niya dahil gusto niyang magbago na ng buhay. Pangalawa ‘yung reyalidad ng political will ni Digong (President Rodrigo Duterte). Makikita mong ganito ang effect na mismong ‘yung mga taong alam nila na may mali silang ginagawa, sila na ‘yung kusang nagsasabi na ayaw na nila nito. Ayaw na nilang gumamit ng droga,” nakangiting pahayag ni Yeng.

Umaasa ang singer na muli silang magkakausap ni Jay-R sa mga susunod na araw upang matulungan niya ito. “Tama ‘yung ginawa mong desisyon at kasama mo kami sa likod mo diyan. Gusto mong magbagong buhay, alam namin. We will back you up with prayers at sana ay magka-connect tayo para magkausap tayo very soon,” pagtatapos ni Yeng.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: