PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Edu mas abala sa kanyang bukid

Edu Manzano

Tulad ni Joel Torre, napagod na ring gumanap  na kontrabida si Edu Manzano. Pakiramdam niya ay graduate na siya sa ganung role. Kaya naman sa pagbabalik niya sa TV via Someone to Watch Over Me, starring Lovi Poe and Tom Rodriguez, sa  GMA 7, hindi n’yo siya kamumuhian.

Hindi pa nakakapag-taping si Edu para sa nasabing serye na mapapanood na before the end of the month.

Sa kanyang farm sa Batangas naging abala si Edu pagkatapos ng eleksiyon. Malaking-ma­.laki na raw ang improvement nito at ini-enjoy niya ang buhay sa probinsiya.

Pagdating sa lovelife, aminado si Edu na zero ang puso niya sa kasalukuyan.

TV exec ikakasal na sa dating aktor

Ikakasal na pala ang isang TV executive sa isang dating actor na hindi gaanong sumikat.

Very open na ang kanilang relasyon. Nasa social media na. Pero iilan lang ang mga kaibigan nila ang naglalakas ng loob na magtanong kung kailan magaganap ang kasalan.

Na-annul na raw kasi kamakailan ang marriage ng TV exec kaya libreng-libre siyang magpakasal sa karelasyon.

Mayaman ang actor na mapapangasawa ayon sa isang source dahil maraming naipong ari-arian.

Matagal na raw ang affair ng dalawa at ngayon lang nakakapag­lantad.

Game changer ni Cong. Albee hindi natitinag

Pang-fourth season na pala ng progra­mang Game Changer (sa ABS-CBN News Channel) na ang host ay si Congressman Albee Benitez ng 3rd District ng Negros Occidental.

Ito ay 30-minute docu-magazine program na nagpapakita ng mga kakaibang ideas, events at personalities at nakakapagbigay ng kakaibang impact sa ating buhay at lipunan. Napapanood ito tuwing Sabado, 9:30 p.m., at may replay tuwing Linggo, 9:30 a.m.

Kuwento mismo ni Cong. Benitez, hindi nga niya ini-expect na marami palang nanonood ng programa niya.

One time raw, nang magkita sila ng isang kilalang businessman, sinabi nitong may kamukha siyang   TV host na napapanood niya nga sa ANC. Natawa lang daw si Cong. Benitez na bestfriend ng actor na si Gabby Concepcion dahil na-realize ng businessman na siya nga ‘yung sinasabi niya (businessman) at hindi niya kamukha lang.

Loaded din daw ng sponsor ang kanyang show dahil nga ang mga mismong negosyante na avid viewers niya ang major sponsors ng programa. At mataas daw ang rating ng Game Changer.

Familiar ang pangalan ni Cong. Albee na bukod kay Gabby ay bagong bestfriend ni Nay Lolit Solis kaya namin siya nakilala, dahil anak siya ni dating Prime Minister Jolly Benitez ng Department of Human Settlements noong panahon ni Presidente Ferdinand Marcos.

Pero ayon sa kongresista, self-made man siya na nang magtapos sa Amerika with a degree in B.S. Mathematics ay umuwi siya ng bansa at ginamit ang napag-aralan at galing sa numbers. Meron lang umano itong P20,000 investment sa bingo, yup sa bingo, na mabilis lumago.

At ‘yun nga ang simula ng lahat sa kanyang napalagong negosyo hanggang sa kasalukuyan.

Pag-aari rin ng pamilya nila ang  Philippine Wo­men’s University (PWU) at nagpapatakbo ng Leisure and Resorts World Corp.

Sa Kamara, siya ang chairperson ng housing and urban deve­lopment committee, vice chairperson din siya ng committee ng inter-parliamentary relations and diplomacy.

Ka Freddie hindi raw bagay sa NCCA?!

Si Ka Freddie Aguilar na nga ba ang uupong chairman ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts). Usap-usapan kahapon ang nasabing isyu matapos umano itong tawagan ng assistant ni Pres. Duterte para sa nasabing posisyon.

Hindi masyadong positive ang reaction ng mga ibang taga-industriya dahil mas kilala raw song writer and singer si Ka Freddie. 

Nauna nang napabalita na si Aiza Seguerra umano ang ilalagay rito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: