PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis super lucky sa mga sexiest winner ng FHM

Usap-usapan ng press people how lucky Luis Manzano is. Imagine nga naman, ex-girlfriends niya sina Angel Locsin at Jennylyn Mercado na parehong naging sexiest winner ng FHM.

Tapos ang future o baka GF na ni Luis na si Jessy Mendiola ang 2016 FHM Sexiest. O, ‘di ba si Luis lang ang may ganyang record? Gustong malaman ng fans ng dalawa kung dadalo si Luis sa Victory Party ng FHM kung saan rarampa si Jessy.

Kaya namin nasabing future GF dahil wala pang inaamin sina Luis at Jessy sa relasyon nila. Sa interview kay Jessy na lumabas sa Tonight With Boy Abunda, itinuro kay Luis ang mga nagtatanong sa status nilang dalawa.

Hindi sinagot ni Jessy kung nanliligaw sa kanya si Luis at “what you see is what you get” ang sagot. Pero hindi nila itinatagong nagdi-date sila dahil marami ang nakakakita sa kanila.

Positive ang sagot ni Jessy kung may chance na sagutin niya si Luis. “Oo naman! He’s a good guy. Any girl will be lucky to have him.”

Maraming nakarinig, aktres sinumbatan ng ina na napulot sa sementeryo

Nasa aktres na tina­lakan ng kinilalang ina ang simpatiya ng mga naka­rinig sa sinabi nitong napulot lang siya sa sementeryo. Nag-abot ang dalawa sa isang family event at doon narinig na sinabihan ng kinilalang ina ang aktres.

Hindi na lang daw sumagot ang aktres at pinalampas ang masakit na sinabi ng kinilalang ina kahit marami ang nakarinig. 

Matagal nang may conflict ang aktres at ang kinikilalang ina nito. Nagpatung-patong na ang isyu sa kanila at tila mahihirapan at matatagalan pa bago sila muling magkaayos lalo na sa bagong nangyari sa dalawa.

Benjamin at Julie Anne naglalandian

Mukhang sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose ang next showbiz couple. Ito ay kung magpapatuloy ang unintentional online flirting ng dalawa. Ilang araw na silang may convo sa Instagram (IG) ni Julie Anne, small things na kinakikiligan ng kanilang fans.

Naalala tuloy na minsang na-link sina Benjamin at Julie Anne at natigil lang nang manligaw si Benjamin kay Glaiza de Castro. Hindi yata successful ang panliligaw ni Benjamin kay Glaiza kaya muling nabaling ang puso niya kay Julie Anne.

Request tuloy ng fans nina Benjamin at Julie Anne sa GMA 7 na pagtambalin ang dalawa sa isang rom-com series. Bitin daw kung sa music video ni Julie Anne ng song nitong Naririnig Mo Ba? from her Chasing The Light album ng GMA Records sila mapapanood.

Incidentally, available na ang album ni Julie Anne at puwede na ring i-download ang kanyang single as a ring back call. 

Jasmine todo paliwanag na sumunod lang sa utos!

Dumalo sa presscon kagabi ng Ima­gine You And Me si Jasmine Curtis-Smith na may important role sa movie nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nabasa namin ang usapan nila ni direk Mike Tuviera sa social media kung saan ginawa nilang biruan ang “daw” na comment ni Jasmine kay direk Mike na parang ‘di sure kung sino ang director ng movie.

Sa mga patuloy pa ring namba-bash kay Jasmine at inakusahang ‘di siya proud sa movie, heto ang kanyang reaction.

“Dahil lang sa hindi nag-post ibig sabihin hindi na proud? Hindi kaila­ngan ilantad sa social media. Lahat yan may timing sa post at waiting for go signal when it comes to work related postings. Broaden your mind before you start speaking. I don’t care for the bashing, sila lang nakakuha ng satisfaction duon. I care more for the support for FILIPINO FILMS and growing artists like myself and ALDUB.”

Nagpasalamat si Jasmine sa mga nakaintindi sa kanya. Ginawa lang daw niya ang trabahong mahal niya at sumunod lang siya sa bilin sa kanya. 

Gusto namin ang pahayag ni Jasmine na “I only apolo­gize to those I have innocently offended (and did not take against me rather, tried to comprehend me) but I do NOT apologize for following orders given to me. I complied with the rules because I did not want to disrespect anyone even under pressure. We all want the same thing which is success for the film kaya instead of focusing on one interview of someone that you call “bobo/plastik/ingrata/tanga” maybe you should focus your attention on the progress OF Filipino films and the artists you support. #STOPTHEHATE.”

Very well said Jasmine! Ang daming tinamaan sa sinabi mong ito. Showing sa July 13 ang Imagine You And Me. Ang buong cast, nalaman lang sa presscon kagabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: