PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bagong patakaran sa MMFF, kopya sa mga filmfest sa abroad!

Luis Manzano at Jessy Mendiola

MANILA, Philippines – Magkakaroon pala ng grand launch ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 next week. Sa nasabing grand launch umano ipapaalam ang bagong guidelines at mga pakulo ngayong taon.

Isa sa changes sa patakaran ng MMFF ngayong taon ay ang pagsa-submit na ng finished product ng mga producer kumpara sa kinamulatang mga script lang ang kailangang i-submit ng mga producer.

Ang sabi, ginagaya raw sa sistema ng mga film festival sa abroad ang bagong sistemang ito ng MMFF.

Wala rin umanong distinction kung mainstream o indie ang mga kasali. Basta mamimili sila ng walong kasali na nakikita nilang pasok sa bagong ipatutupad na kategorya.

So far, wala pang malala­king producer ang nag-commit na sasali. Si Mother Lily Monteverde (Regal Films) na suki ng MMFF, ay hindi pa sigurado kung sasali dahil magiging kawawa naman daw ang pelikula nilang tatapusin kung hindi makakapasok sa Magic 8.

Maging si Boss Vic del Rosario (Viva Films) ay hindi pa alam kung sasali sila na isa pang suki ng MMFF taun-taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang Star Cinema naman na laging nangunguna sa pagsali tuwing Pasko ay may balitang sina Coco Martin at Jennylyn Mercado ang bida sa isasabong na pelikula pero wala pang update kung nagso-shooting na sila. Eh ang sabi, sa October na ang deadline ng submission of entries ng mga pelikulang ipalalabas pa sa Pasko.

Wala ring aasahang Vic Sotto at Vice Ganda movie sa Pasko ang mga kabataan dahil sinabi na Bossing Vic sa mga naunang interview na pahinga muna siya this year at si Boss Vic ang nagkumpirma na hindi pang-MMFF ang sisimulang movie ni Vice dahil ipalalabas ito sa October.

So more on indie films ba ang mapapanood natin sa Pasko?

Hindi na kaya ito magkakaroon ng changes hanggang sa pag-upo sa puwesto ni President-elect Rody Duterte sa July?

Paano kung may ibang i-appoint sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na siyang automatic na mamamahala ng MMFF?

Anyway, gaganapin nga pala ang grand launching sa SMX Convention Center. Naisip kaya ni MMDA Chairman Emerson S. Carlos ang traffic ng mga imbitado? Kung mula ka sa Quezon City kailangan mong maglaan ng tatlo hanggang apat na oras para makarating ka ng on time sa nasabing event. Ang MMDA ang namamahala sa traffic.

At any rate, magkakaalaman sa Martes kung sinu-sinong mga producer nga ba ang sasali.

Luis at Jessy huli na naman!

Spotted daw na nanood ng sine sina Luis Manzano and Jessy Mendiola the other day. Conjuring 2 umano ang pinanood ng dalawa base sa post ng ilang nakasabay nilang manood.

Nauna nang idinenay ni Luis na may something sa kanila ni Jessy nang lumabas ang isyung mag-on daw sila kahit sinabi ng isang source na sila nga.

Parehong walang karelasyon ang dalawa at wala naman sigurong masama kung magiging sila.

Or baka nga naman hindi pa sila. Baka nasa ligawan portion pa lang sila at naunahan lang?

Laging naaalala ang pangalan ni Enrique Gil tuwing pag-uusapan sina Luis at Jessy dahil si Luis umano ang nagtanggol noon kay Jessy nang subukang bastusin ni Enrique ang actress sa loob ng eroplano kung saan papunta sila ng London para sa ASAP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: