PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Edu suportado ng mga tricycle driver at operator

May reason para mag-rejoice si Edu Manzano dahil sa endorsement ng National Confederation of Tricycle Operators and Dri­vers Association of the Phi­lippines (NACTODAP) ang senatorial bid niya.

Almost 5 million ang mga miyembro ng NACTODAP at dahil sa suportado nila ang kandidatura ni Papa Edu, malaki ang chance na mahalal na senador sa darating na eleksyon ang tatay ni Luis Manzano.

Maligayang-maligaya si Papa Edu dahil hindi niya inaasahan ang suporta na natanggap mula sa samahan ng mga tricycle driver at operator. Nag-promise si Papa Edu na kapag nag-win siya, hindi mawawala sa agenda niya ang kapakanan ng mga tricycle driver at operator.

Papa Edu dinudumog kahit hindi bitbit ang mga anak

Bilib ako kay Papa Edu dahil puwedeng-puwede nito na obligahin si Luis na ipangampanya siya pero hindi niya ginagawa.

Hinahayaan ni Papa Edu si Luis at ang kanyang ibang mga anak na magkusa na ikampanya ang kandidatura niya.

Pinagkakaguluhan at dinudumog si Papa Edu sa mga lugar na pinupuntahan niya. Siya pa lang ‘yon ‘ha? Isipin ninyo ang scenario kung sasamahan siya ni Luis sa pag-iikot. Malamang na security nightmare ang kanilang pangangampanya.

Joey kagagaling lang sa bisyo

Bumalik na si Papa Joey de Leon mula sa tatlong linggo na pagbabakasyon niya sa Italy.

Nakakainggit ang mga kuwento ni Papa Joey tungkol sa pagpunta niya sa Lake Como at ibang popular places sa Italy.

Kasama ni Papa Joey sa pagbabakasyon ang love of his life, ang kanyang misis na si Eileen Macapagal at ang mga kaibigan nila, si Mike Enriquez at ang misis nito na si Lizabeth, ang concert producer na si Danny Samonte at ang asawa nito.

Ang sey ni Papa Joey, para silang mga teenager na excited na excited sa kanilang mga pinuntahan.

Ang Enriquez at Samonte couples din ang kasama nila ni Eileen nang magbakasyon sila sa Holy Land noong 2014.

Ang magbiyahe sa ibang bansa ang tanging bisyo ni Papa Joey at ng kanyang mga close friend. Sobrang sipag ni Papa Joey kaya deserve nito na magbakasyon sa mga bansa na gusto niya na marating.

Aktor na mahilig sa mas matanda, naitago ang pakikipagrelasyon sa aktres na si J

Matagal na palang tapos ang love affair ng aktor na si J at ng aktres na si J.

Ang ex-wife ni J ang nagkumpirma na hiwalay na ang dalawa at luma na ang isyu.

Ang ibig sabihin, naging discreet sina J and J dahil kung kailan matagal nang the end ang love affair nila, saka pa lamang ito pinagpipistahan ng mga intrigera na huling-huli na sa balita.

Ang pakikipagrelasyon kay actress J ang confirmation na may fetish si actor J sa mga babae na older sa kanya. Malaki rin ang agwat ng edad ng aktor sa singer-actress na naging girlfriend niya noon. Gaya ng relasyon nila ni actress J, hindi rin nagtagal ang love affair ng aktor sa singer-actress na malihim sa lovelife.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: