PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis nakakaramdam ng pressure sa Family Feud

Damang-dama ang saya at excitement sa paparating na game show ng ABS-CBN - ang Family Feud hosted by Luis Manzano. Kahapon ay nagkaroon ng presscon at pa-sample kung saan naglaban ang dalawang grupo ng entertainment press at bongga dahil grupo namin nina Ervin Santiago (Bandera), Dinah Ventura (Daily Tribune) and Gie Trillana (Business Insight Malaya) ang nagwagi.

Masaya. Simple lang ang mga tanong na ang sagot mo ay kailangang nag-match sa sagot ng mga tinanong na respondents, pero ang lagi mong iisipin masa ang mga pinagtanungan.

Isa sa naitanong sa amin ni Luis : “Ano ang kadalasang sunod na sinasabi ‘pag mababanggit ang salitang ‘wala?”

Ang pinakamataas na sagot base sa survey : “pera.”

Worldwide hit ang programang ito na minsan na ring napalabas sa TV5 and GMA 7. Minsan na ito nai-host ito ni Edu Manzano sa GMA 7.

Magsisimula itong mapanood sa Sabado (April 9).

Kaya talaga namang kaabang-abang ang Pinoy edition ng hit franchise lalo na ang mga pamilyang Pinoy na sasali dahil kilalang likas na kwela, masiyahin at palaban sa ano mang laban o laro para magkadatung. Hindi kasi ito kareran. Ang mga tinanong sa survey walang maling sagot. Kung anu lang sabihin nila, ‘yun na ‘yun.

Siyempre, ibang level ang buhay at sigla dahil ang premiere TV host ng bansa na si Luis ang mangunguna. Nang tanungin kung anong pakiramdam na siya ang napiling host ng sikat na game show, sabi ni Luis, “Nakakataba naman lagi ng puso na mapili bilang host ng isang napakala­king programa tulad nito. Lagi ring may pressure lalo pa’t ako mismo ay fan ng Family Feud.”

Hindi maikakaila na malakas ang bond ni Luis sa kanyang sariling pamilya at kilala ring mahusay sa pagbanat at pag-timing sa pagpapatawa kaya naman sigurado ang katuwaan at kasiyahang hatid niya sa lahat na nasampulan nga kami.

Hindi lang mismong kapamilya ng lalahok ang bibida kung hindi pati na rin extended family, mga kaibigan, ka-opisina, atbp.

Magsisimula ang Family Feud sa tinatawag na Face Off kung saan isang kinatawan ng bawat pamilya ang huhulaan ang pangkaraniwang sagot sa isang tanong na hinarap via survey sa 100 hanggang 150 na katao.

Ang manlalaro na mas popular ang sagot o makuha ang pinaka­popular na sagot, na tinatawag na Number One Answer, ang papasok sa Completing the Board round kasama ang kanilang mga kapamilya.

Sa Completing the Board round, sasagutin ng lahat ng miyembro ng pamilya ang parehong katanungan ngunit kung makakakuha sila ng tatlong maling sagot maaaring subukan ng kabilang pamilya ang tanong para makuha ang puntos nila sa round na iyon.

Ang pamilyang may mas maraming puntos sa katapusan ng dalawang rounds ang tutuloy sa huling round, ang Fast Money round.

Ang Fast Money round ang huling round ng laro kung saan dalawang miyembro ng pamilya ang bibigyan ng tig-25 segundo para sagutin ang limang katanungan. Sa pinagsamang puntos nakasalalay kung anong premyo ang maiuuwi ng pamilya.

Mapapanood ito tuwing Sabado pagkatapos ng SOCO at tuwing Linggo pagkatapos ng Kapamilya Blockbuster sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). 

Luis kapatid lang ang turing kay Alex

Speaking of Luis, gulat ang TV host/actor na naging big deal ang tungkol sa pangangalmot ni Alex Gonzaga sa kanya kung saan pabirong nag-react ang parents niyang sina Gov. Vilma Santos and Edu Manzano at tinawag pang Kalmot Serye!

“Diyos ko, ‘yung Kalmot Serye na ‘yan. Nagwo-work out kami together at ang ginagawa niya kasi ay ‘yung side plank. Galing akong Muay Thai, tinanggal ko ang t-shirt ko na puro pawis. Habang naka-side plank siya, gusto ko sana ay isabit sa kamay niya ‘yung shirt, ‘yung parang sampayan.

“Kaso pagkahagis ko lumampas,  binaba niya ‘yung kamay niya, so pumasok sa bibig niya. So basically, nainom niya ang pawis ko.

“So sabi niya, ‘Kuya!’ Galit na galit sa akin, so hinahabol niya ako sa kili-kili niya. Pagkahawak niya sa akin, pumipiglas ako dahil kili-kili niya. So pumipiglas ako, tapos nakalmot.

“Noong nakita ko ang mommy ko, the next night, sabi ko, ‘Mommy, ano ang message mo kay Alex?’ ‘Yun ‘yun,” paliwanag niya kahapon sa entertainment press after the presscon of Fa­mily Feud.

Ang hindi raw niya maintindihan ay kung bakit may mga sumeryoso,

“Sabi sa akin ang laki-laki ng katawan mo, nag-MMA ka pero nagsusumbong ka sa mommy mo. Parang sabi ko, hindi ba naiintindihan ‘yung kulitan namin? Ang humor namin.’Yung dulong video pa nga ni mommy ay  sabi niya kay Alex  ‘I love you,’” dagdag niya pa.

Uy baka naman may mabuong something sa kanila ni Alex ha? “Hindi. Parang it’s very, very awkward especially na nanligaw ako kay Toni before. Parang ang pangit naman? Porke’t ba nag-fail ako doon sa isa, doon naman ako sa susunod?” sabay sabing mahal niya si Alex bilang younger sister na po-protektahan niya sa lahat ng oras.

Eh sila ni Angel, kumusta naman sila?

“We are friends,” sagot at ayaw na raw niyang pahabain dahil baka daw maakusahan siyang manggagamit.

“At this point, we are friends. I don’t want to add color. Sa lahat ng mga pinagdaanan namin ay magkaibigan kami.”

Hindi ako buntis at nakikipag-live in - Sarah

“I can assure ‘you, hindi nakikipag-live in si Sarah (Geronimo). Sa kanilang bahay siya nakatira,” with conviction na sagot ng isang napagtanungan ko kung bakit ba ayaw tantanan si Sarah G. ng ganyang isyu. “Wala namang masamang ma-in love pero hindi naman gagawin ni Sarah ang hindi tama,” pagsisiguro ng source  nang makausap ko sa telepono.

Anyway, pumirma nga pala ng panibagong kontrata sa ABS-CBN si Sarah. Patunay nga raw ito na hindi niya tatalikuran ang career contrary sa ipinipilit ng ibang mga nagsusulat.

At maging si Sarah ay nagsalita kahapon kay Mario Dumaual ng TV Patrol na hindi siya lumayas sa kanilang bahay. “Hindi po ako lumipat ng bahay. Hindi po.” 

Hindi rin daw sila engaged ng boyfriend na si Matteo Guidicelli.

“Maraming naglabasan, nagli-live in na raw kami, buntis daw ako at engaged na kami. Wala, wala po. Sana mauna muna ‘yung engagement bago ako mabuntis. Wala po. 

“Ako tumatanda na ako, mag-30 na ako, malapit na po. Pero iyon naman ay kahit minsan gustuhin natin, pero kapag hindi pa talaga, hindi pa,” paliwanag niya.

So ayan maliwanag na ang lahat.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: