PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Edu nag-time-out sa kampanya para sa birthday ng anak

Kahit pagod sa pangangampanya, hindi nakakalimutan ni Edu Manzano ang mga responsibilidad niya bilang ama.

Humabol si Edu sa birthday dinner ng kanyang only daughter na si Addie noong Biyernes.

Kumpleto ang mga anak ni Edu dahil sumipot din sa birthday dinner ni Addie sina Luis Manzano at Enzo.

Bestfriends ang trato ni Edu sa tatlong anak na parang mga kapatid lamang niya. Proud father ang senatorial candidate ng Partido Galing at Puso dahil nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Ang magkaroon ng college degree ang tanging hiling ni Edu kina Luis, Enzo at Addie.

Pumayag si Edu na pumasok sa showbiz si Luis nang mag-graduate ito sa La Salle University dahil sa paniniwala na  ang magandang edukasyon ang maipamamana niya sa kanyang mga anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Old movies ni Daboy, ipalalabas na uli

Ang pagpapalabas ng old movies ng kanyang tatay na si Rudy Fernandez ang project na pinagkakaabalahan ni Rap.

Mabibigyan ng pagkakataon ang fans ni Daboy na mapanood sa affordable price na P150 ang kanyang mga lumang pelikula mula April 8 hanggang April 15.

Mapapanood sa Cinema ’76 sa 160 Luna Mencias Street, San Juan City ang old movies ni Daboy tulad ng Bitayin Si Baby Ama, Bingbong: The Vincent Crisologo Story, Baun Gang, Sandakot Na Bala, Tatay ng Yakuza, Kahit Buhay Ko at Idol.

Ka-double ng screening ng mga pelikula ni Daboy ang documentary movie na The Last Pinoy Action King na malaking bonus para sa mga manonood sa Cinema ’76.

Tuwing 5:00 p.m. ang weekdays showing ng Rudy Fernandez film at 12 noon kapag weekend. Importante na magpa-reserve dahil 50 lang ang maximum seating capacity ng Cinema ’76.

Cristine may trauma pa kay Vivian

Hindi nakatiis ang mga reporter na dumalo sa presscon ng Elemento dahil tinanong nila si Cristine Reyes tungkol sa isyu nito kay Vivian Velez.

Naging generous naman si Cristine dahil sinagot nito ang mga question. Sinabi niya na na-trauma siya sa nangyari sa kanila ni Vivian kaya malabo nang magkasama sila sa mga future project.

Ang Elemento ang horror movie ng Viva Films na mapapanood sa mga sinehan sa April 6 at kasama sa pelikula si Elizabeth Oropesa.

Natawa si Cristine nang tanungin tungkol sa kanyang working relationship kay Elizabeth at kung  may mga elemento ba na pinalabas niya sa  tent noong ginagawa nila ang Elemento.

Boobay malaki ang inggit kay Lovi

Sina Lovi Poe at Boobay ang mga guest ngayong hapon sa The Full Sisters episode ng Dear Uge, ang show ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Kinaiinggitan ng baklitang kapatid (Boobay) ang role ni Lovi at pinag-aawayan nila ang bossing na si Edgardo na ginagampanan ni Migui Moreno.

Siyempre, may special participation si Eugene sa The Full Sisters na tungkol sa sibling rivalry ang kuwento.

Mga tsismis sa Encantadia, patototohanan na

Live na mapapanood bukas sa 24 Oras ang pagpapakilala sa mga aktres na magbibida sa Encantadia 2016.

Excited na ang loyal fans ng Encantadia na malaman ang mga gaganap na bagong Amihan, Pirena, Alena at Dayana. Bukas matitiyak kung totoo ang tsismis na kasali sa Encantadia 2016 sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro at Gabbi Garcia.

Walang kumpirmasyon pero maingay na ang balita na mapapanood sa GMA 7 sa June 2016 ang Encantadia 2016.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: