PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ate Guy tuloy ang pag-iipon para sa operasyon ng lalamunan sa July

Nora Aunor

MANILA, Philippines - Finally matutuloy na pala ang pagpapa-opera ni Superstar Nora Aunor ng lalamunan sa July.

Pero nag-iipon pa raw siya ng gagastusin dahil medyo malaki-laki ang kakailanganin eh mamahinga pa siya after. Lalo’t sa Amerika pa siya papaopera.

Ayaw daw niyang umasa sa tulong ng iba ayon kay Ate Guy sa presscon ng latest movie niyang Whistleblower.

Teka, ano nga bang nangyari sa pangako noon nina Kris Aquino at Tito Boy Abunda na sasagutin nila ang gastos sa operasyon at pati na rin pamasahe sa eroplano ng Superstar para lang maibalik ang nawala nitong boses matapos umanong tamaan ang isang nerve nang butusan ang kanyang lalamunan sa isang supposedly ay beauty enhancement sa Japan. Oras umano na dumaan na sa operasyon si Ate Guy, babalik na ang boses niya at muling makakakanta.

Anyway, naka-Grace Poe baseball cap nga pala si Ate Guy nang dumalo sa press conference ng Whistleblower noong Martes (Marso 29).

Proud na proud na inirampa ni Ate Guy ang kanyang puting baseball cap na may nakasulat sa harap na “Grace Poe Ang Aking Pangulo 2016.”

 Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula ni direk Adolf Alix, Jr. at showing ito sa mga sinehan sa April 6.

Ang sabi ng mga nakapanood sa advance screening ng pelikula, akmang-akma sa nalalapit na eleksyon ang kuwento nito na tungkol sa mga taong nagsisiwalat sa mga katiwalian na nangyayari sa gobyerno.

Napapanahon daw ang mensahe ng naturang socio-political thriller upang himukin ang publiko na piliin ng mabuti ang kanilang mga bagong lider para sa kinabukasan ng bansa.

Kasama ni Ate Guy sa pelikula sina Cherry Pie Picache, Angelica Panganiban, Laurice Guillen, Glenda Kennedy, Yul Servo, Ricky Davao, Lloyd Samartino, John Rendez, Pancho Magno, at Dennis Marasigan.   

John Lloyd pumiyok sa nangyari sa kanila ni Bea at Angelica!

Uy nagsalita kahapon si John Lloyd Cruz na single siya at hindi nila pinag-usapan ni Bea Alonzo ang bintang noon na ang aktres ang dahilan ng hiwalayan nila ni Angelica Panganiban.

Wala raw siyang lovelife sa kasalukuyan at kung meron man, hindi niya ‘yun ililihim dahil sa edad niya.

Wala raw siyang dapat klaruhin tungkol sa kanila ni Bea. Saka sa edad ba raw niyang ‘yun kailangan pa niyang magtago. “Kung ang JaDine nga umaamin,” pakli ng actor sa mga nag-interview sa kanya.

Pero pagdating sa isyung hiwalayan nila ni Angelica, ayaw niyang magsalita dahil masyado na raw personal ‘yun. “I wish I could tell you more, pero masyado nang personal ‘yun,” pahayag niya.

Ito ang unang beses na klinaro ng actor ang tungkol sa kanila ni Bea na medyo nag-lay low ang isyu nang maispatan ang aktres sa Singapore with Paulo Avelino. Ganun din ang tungkol sa naging hiwalayan nila ni Angelica.

Si Angelica at Bea ay nanatiling tikom ang bibig sa mga pangyayari.

Luis dasal ang ‘kapalit’ sa pagtulong sa pastor

Kumalat kahapon sa social media ang pagtulong ni Luis Manzano sa isang naaksidenting pastor na nagba-bike.

Wala raw ulerat ang nasabing pastor at nagising na lang sa hospital na pinagdalhan ni Luis.

Kaya naman todo ang pasasalamat nito kay Luis. Maging ang anak ng pastor ay nagpaabot ng pasasalamat sa social media.

Sagot naman ni Luis, isang dasal lang para sa kanya ay patas na sila.

Bago si Luis ay pinuri-puri rin ang kabayanihang ginawa ni Ian de Leon sa batang nahagip naman ng motorsiklo pero tinakbuhan.

Nagkataon lang of course, pero anak ang dalawa ng dating magkaribal at magkaibigan na ngayong sina Gov. Vilma Santos and Superstar Nora Aunor.

Team Romulo-Sotto tanggap na tanggap ng mga taga-Pasig

Mainit na mainit ang pagtanggap ng mga taga-Pasig sa Team Romulo-Sotto sa ginanap na proclamation rally ng grupo nina Mons Romulo na kumakandidato sa Kongreso, Roman Romulo sa Senado and Vico Sotto for Councilor in Pasig four days ago. Nanguna sa pagsuporta si Bossing Vic Sotto and Coney Reyes, Shalani Soledad at si dating DFA Sec. Bert Romulo kasama si Simon Romulo sa nasabing rally na ginanap sa Pasig Mega Market.

Dumagsa ang mga taga-Pasig at talaga namang umapaw ang buong Pasig Market.

Pawang magaganda ang track records nina Mons, Roman and Vico kaya bilib ang maraming mga kababayan nila sa tatlong kumakandidato.

Si Bossing Vic ay ipinakita kung gaano ka-supportive na ama na kahit kagagaling noon ng Amerika ay dumiretso sa Pasig para personal na itaas ang kamay ng Team Romulo-Sotto.            

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: