PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis naniniwalang darating din ang tamang oras sa papalit kay Angel

Kahit napabalitang muling naghiwalay sina Angel Locsin at Luis Manzano kamakailan ay nananatiling positibo ang pananaw ng aktor sa buhay. “Sabi ko nga, ang daming nangyayaring maganda para magkaroon ng micronutrient deficiency sa puso. You’re given one shot at it. Why not live life?” makahulugang bungad ni Luis.

“There’s always hope sa mga buhay natin. It’s very unfair to live life without any hope in any aspect of your life whether be love or career. With life comes hope, with hope comes love. Dadating din ‘yun in God’s perfect time. Kahit ano pa iyon, dadating at dadating din naman,” paliwanag ng aktor.

Samantala, mapapanood na ang Family Feud sa Kapamilya network tuwing Sabado at Linggo simula sa April 9. Masayang-masaya si Luis dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng ABS-CBN upang mag-host ng nasabing game show. “Kung nasanay kayo sa ibang game show na isa-isang naglalaro, ito pamilya laban sa ibang pamilya. Kilala natin ang ABS-CBN kapag pinag-uusapan ang mga best game shows in the industry. Masaya ang trabaho ko, kahit ako nagulat na masaya ang Family Feud. After every taping, it leaves me a smile on my face dahil sa mga kakaibang sagot na binibigay nila at mga kakaibang reaksyon. Magugulat kayo sa mga tanong at sa mga sagot,” pagbabahagi ni Luis.

Princess balik-showbiz!

Nagbalik sa bansa ang beteranang aktres na si Princess Punzalan. Pansa­mantalang iniwan ni Princess ang pag-aartista noong 2005 nang mapangasawa si Jason Field at nanirahan na sa Amerika. Hinahanap-hanap daw talaga ng aktres ang pag-arte kaya ngayon ay muli siyang mapapanood sa telebisyon.

Kabilang na si Princess sa teleseryeng The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. “Mahal na mahal ko talaga ang pag-arte. So may mga desire ako na gawin iyon pero every now and then I come back to the Philippines para mag-guesting, para ma-fulfill naman ‘yung desire ko na iyon bilang artista,” nakangiting pahayag ni Princess.

Nilinaw ng aktres na panandalian lamang ang kanyang pamamalagi sa Pilipinas kaya pansamantala din lamang ang kanyang pagbabalik sa show business. “Panandalian lang dahil tinanggap ko ang isang napakagandang proyekto sa ABS-CBN,” giit ni Princess.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mas nakilala ang aktres dahil sa pagganap niya bilang si Selina sa teleseryeng Mula sa Puso noong 1997. Ngayon ay ang karakter naman ni Claudette ang bibigyang buhay ni Princess sa The Story of Us. Si Claudette ang ina ni CJ na ginagampanan naman ni Bryan Santos na siyang nagsisilbing third wheel kina Kim at Xian sa nasabing serye. “Si Selina, dark siya talaga. Sa sobrang desire niya na maging powerful, kaya niyang pumatay. As opposed to Claudette na ang nagda-drive sa kanya is love for her son. Gusto lang niya maging protektado ang kanyang son,” pag­lalarawan ng aktres.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: