PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Karla lilipad na Darna kapalit ni Angel?!

Birong tanong ni Karla Estrada. Now that officially under contract na siya for two years sa ABS-CBN, ‘di raw kaya sa kanya nai-entrust ng Star Cinema, the film arm ng Kapamilya, ang lead role sa pelikulang Darna?

As it is nga naman, wala pang napipisil ang Star Cinema ng artistang gaganap sa Darna. Yes, in place of Angel Locsin, who gave up the role dahil spine injury she suffered which requires her to undergo massive therapy, at least, monthly, in Singapore.

Seriously now, sobra raw na-touch si Karla, when during the contract signing, dumating si Gabby Lopez, Chairman and CEO, ABS-CBN, bukod sa top guns ng Kapamilya, sina Carlo Katigbak, President and CEO, at Cory Vidanes at direk Lauren Dyogi.

Haping-happy daw for her ang anak na si Daniel Padilla, known sa Kapamilya as local showbiz’ Teenage King. Baka raw maging more busy pa si Karla compared sa kanya, biro ni Daniel sa ina.

Right now, busy si Karla as one of the judges sa segment ng It’s Showtime, Tawag Ng Tanghalan. Nakaka-relate raw si Karla sa mga contestant, as like them, kung ilang singing contest din ang kanyang sinalihan, bago wika nga, she hit the “big time”.

Saturdays and Sundays, kasali siya bilang contestant sa game program na Celebrity Playtime.

Luis hindi makatulong sa kampanya ng dalawang ama

Chances are raw, ‘di makakakampanya, as often as he would want to si Luis Manzano, for both his dad (Edu Manzano) and stepfather, Senator Ralph Recto, who are both running for Senator. Si Tito Ralph niya as a re-electionist.

Nawala man kasi ang program ni Luis sa Deal or No Deal, he will soon be stuck with a daily reality show, The Voice Kids, obviously with Alex Gonzaga and Robi Domingo again.

Host din siya twice a week, weekends, ng Celebrity Playtime. And of course, Pilipinas Got Talent, also Saturdays and Sundays, with Billy Crawford.

Of Luis’s Mom, Batangas Governor Vilma Santos-Recto, mukhang lamang siya sa kanyang ‘‘kalaban’’.

Lani nakakalamang daw

Usap-usapang malaki rin ang lamang ni Bacoor Congresswo­man Lani Mercado, sa kanyang ‘‘kalaban’’ ngayong tumatakbo siya as Mayor of the City.

Congresswoman Lani, as we all know, chose not to run anew for the same position, as she wants to give way to her bayaw, Strike Revilla, na naka-tatlong term na bilang Mayor ng Bacoor.

Para, kumbaga, maipagpatuloy ang kung anumang magandang nagawa ni Mayor Strike for Bacoor in all the three terms na siya ang namuno ng siyudad, kaya, nag-decide tumakbo si Congresswoman Lani sa posisyon na kanyang iiwanan.

Bulung-bulungan na malaki rin ang pag-asa ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, na muling mare-elect for the same position.

Jolo raw made his mark as Cavite Vice Governor, dahil sa maganda niyang performance.

PERSONAL

Belated Happy Birthday ot our assistant, Dang Tandel, who marked a birthday yesterday, March 10.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: