PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Luis at Angel nag-iwasan sa burol! James at Nadine tinatapos ang pelikula bago sumabak sa world tour!

SEEN: Magkasunod na dumating pero magkasabay na umalis sa Arlington Memorial Chapels ang magkarelasyon na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa pangalawang gabi ng lamay para sa labi ng direktor na si Wenn Deramas.

SCENE: Hindi nagpang-abot sa burol ni Wenn Deramas ang ex-lovers na sina Angel Locsin at Luis Manzano dahil nakaalis na si Luis bago dumating ang dating girlfriend.

SEEN: Nakaabang sa entrance ng Arlington Memorial Chapels ang mga reporter at fans na naghihintay sa pagdating ng mga artista na nakiramay sa mga naulila ni Wenn Deramas.

SCENE: Ang magkakaiba na birth year ni Wenn Deramas sa mga obituary ng Star Cinema at TV Patrol. 1968 ang nakalagay sa unang obituary na inilabas ng Star Cinema at 1966 ang report ng TV Patrol. 1966 ang tunay na taon ng kapanganakan ni Wenn.

SEEN: Sa April 4 ang pilot telecast ng Juan Happy Love Story, ang reunion primetime teleserye sa GMA 7 nina Heart Evangelista at Dennis Trillo. Noong Martes ang story confe­rence ng Juan Happy Love Story.

SCENE: Pagkatapos ng Holy Week ang target playdate ng This Time, ang Viva Films movie nina Nadine Lustre at James Reid. Sasabak sa JaDine Love tour sina Nadine at James pagkatapos ng kanilang pelikula.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SEEN: Ang boyfriend na si Michael Yamson na halos apo na niya ang kasama kahapon ni Dionesia Pacquiao sa Court of Tax Appeals sa hearing ng kaso na isinampa laban sa kanya ng BIR.

SCENE: Parang celebrity na kinawayan ni Dionesia Pacquiao ang mga empleyado ng Court of Tax A­ppeals na nagkagulo sa presence niya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: