PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Carlo gusto uling makatrabaho ang kanyang mommy

Excited na raw si Carlo Aquino para sa tele­seryeng We Will Survive na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros. Ngayon lamang makagagawa ang aktor ng proyekto na magaan lamang ang tema. “Siyempre masarap ‘yung pakiramdam kasi isa ‘to sa mga una kong ginawa na feel good lang. Hindi siya drama-drama so excited ako kasi this is a first for me,” bungad ni Carlo. 

Ang binata ang magiging katambal ni Melai sa bagong serye at sobrang na-enjoy daw ni Carlo na makatrabaho ang komedyante. “Si Melai sobrang punong-puno ng energy, laging ang daming sinasabi. Kahit anong oras ‘yan simula umaga hanggang makarating kami ng madaling araw,  consistent ‘yung energy niyan. So talagang madadamay ka, lagi ka lang masaya sa set. Ang gaan,” paliwanag ni Carlo. 

Huling napanood ang aktor sa seryeng Flordeliza na ipinalabas din sa Kapamilya network.

Ibang-ibang Carlo raw ang mapapanood ng mga tagahanga ngayon sa bagong serye. “Iba eh kasi kapag sa drama lalo na sa taping, hindi ako masyadong nakikipagbiruan, lagi akong naka-concentrate lang eh. Dito para kaming naglalaro, ang saya-saya pero siyempre trabaho pa rin,” paliwanag ni Carlo. 

Samantala, nangangarap ang aktor na muling makasama sa isang pelikula si Vilma Santos na kanyang nakatrabaho noong 1998 sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?​ “Gusto ko ulit makatrabaho si ​M​ommy V. Siguro comedy-drama na parang Everything About Her na feel good sa umpisa tapos pabigat nang pabigat. Parang comedy-comedy na may punchline-punch​line, tapos may drama na may hugot,” pagtatapos ng binata.

Martin sanay na sa mas matandang ka-love scene

Tuluy-tuloy na ang pagpapaseksi ni Martin del Rosario sa mga proyekto ngayon. Noon ay sa telebisyon lamang siya nagpapaka-daring pero ngayon ay sumabak na rin ang aktor sa pagpapaseksi sa independent film na Nuclear Family.“First time ko ‘to, nabasa ko na ‘yung script at masaya ako dahil kakaiba siya. 23 (years old) na ako kaya pwede na akong magpa-sexy. Handa na rin naman ako kahit paano. Nagji-gym ako twice a week, okay na ako,” pagbabahagi ni Martin. 

Nakasama ng aktor sa love scene si Ara Mina para sa nasabing indie film. “May mga lalaki siyang ibinabahay pero ako ‘yung magiging lover niya do’n. May mga naka-brief din yata akong eksena do’n,” nakangiting pahayag ni Martin. 

Napapansin daw ng aktor na palaging mas matanda sa kanya ang mga nakakasama sa maseselang eksena. “Si Eula Valdes naka-kissing scene ko na sa movie, lagi akong May December (love affair) napupunta. Una, ‘yung kay Denise (Laurel), teacher-student affair ‘yon. Then si Rita Avila sa Magpakailanman. Jackie Lou Blanco sa Karelasyon.Tapos ito nga, si Ara Mina. So marami akong experience sa May-December affair na role, napapaisip din ako minsan,” natatawang kwento ng aktor.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: