PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Neck brace at wheelchair ‘di bumenta? Angel sablay daw ang pagpapaawa

40 days ni Kuya Germs madaling nakalimutan ng mga kaibigan

SEEN: Ang pa-effect ni Angel Locsin sa Singapore airport  na nakasakay sa wheelchair at may suot na neck brace dahil sa kanyang recent neck surgery. Makukuha ni Angel ang simpatiya ng sambayanan kung hindi siya ang nag-post ng litrato niya sa social media.

SCENE: Iilan na lamang sa mga “showbiz friends” ni German Moreno ang nakaalaala noong Martes sa 40th day ng pagpanaw niya.

SEEN: Inilibing kahapon sa Manila Memorial Park si Lauro Vizconde at isinama sa kanyang puntod ang mga buto ng asawa at mga anak niya na pinaslang noong June 1991 kaya nagkaroon ng pelikula na The Vizconde Massacre. Sa huling sandali, muling nagkasama-sama ang pamilya ni Mr. Vizconde.

SCENE: Ang pahayag ni Susan Roces na ramdam na ramdam na ang mga pang-aapi sa kanyang anak na si Senator Grace Poe kaya dapat nang kalusin. Memorable line ni Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Kapag Puno Na Ang Salop ang “dapat nang kalusin.”

SEEN: Inaabangan sa February 21 ang live telecast ng Pilipinas Debates 2016 ng GMA 7. Magtatapatan sa Pilipinas Debates ang mga presidentiable na sina Jojo Binay, Mar Roxas, Rodrigo Duterte, Grace Poe, at Miriam Defensor Santiago.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

SCENE: Tahimik na ang buhay ni Krista Ranillo. Mali na idawit siya sa kontrobersya na kinasasangkutan ni Manny Pacquiao dahil sa pahayag nito tungkol sa same-sex marriage na masahol pa sa hayop.

SEEN: Corny ang mga joke ni Miguel Tanfelix, ayon sa kanyang loveteam na si Bianca Umali dahil ito lamang ang natatawa sa corny jokes ng leading man niya sa Wish I May.

SCENE: Winner ang impersonation ni Jon Santos kay Miss Universe Pia Wurtzbach. Lovable ang character ni Jon na si Pia Bockwurts, ang Miss Universe Adapter.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: