PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nanghingi ng pasensya pati sa pamilya, Angel aminadong nasaktan sa ginawa kay Luis!

Nanghingi pala ng paumanhin si Angel Locsin sa ginawa niyang pagpo-post ng video ng ex niyang si Luis Manzano habang kumakanta ng Love Yourself, ang sikat na kanta ni Justin Bieber na hindi nagtagal ay binura rin niya. Ito ay matapos sagutin ni Angel ang isang follower tungkol sa pagbubura niya ng message.

“I did ask him about it. I won’t kwento na the details. I liked the post so I could RG (regram) the video. I am a very patient person, but like you, I am only human, I have my limits. I know when it’s time to stand up for myself. 

“I deleted the post because I don’t want to immortalize pa the video & statement. Tama na ‘yun. Sa ngayon, I am still protective of him kahit hindi kami ok at hindi ko purpose na magalit ang tao sa kanya. Ever. Masakit din po sakin to post something like that. Napakabait ng family niya sobra. At gusto rin siya ng family ko kaya masakit na nadadamay sila sa gulo namin. Sana okay na po. Pasensya na po at mahirap po ito para sa akin,” paliwanag ni Angel sa nag-usisa sa pagde-delete niya ng video.

Maaalalang days ago nag-post si Angel na ang caption ay : “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing “love yourself” sa myx ig. Kung umiyak na kayo sa taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this.#mabuhayangtangasapagibig.”

Siyempre maraming nag-react at nasak­tang maka-Luis sa ginawa niya. Pero hindi nga nagtagal ay binura niya.

Wala namang naging reaction si Luis tungkol dito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Contrary sa sinasabing pagkakalabuan, Heart panay ang pasasalamat sa asawang si Chiz

A year after the wedding of Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero, obvious na very happy sa kanilang married life si Heart at panay pa rin ang pasalamat ng actress-turned-painter sa pagdating ng senador sa kanyang buhay.

Ipinaabot ni Heart ang pagbati sa kanyang asawa para sa kanilang first wedding anniversary through a series of photos na ipinost niya sa kanyang Instgram account kahapon.

Ang mga larawan ay kuha sa kanilang wedding sa Balesin Island at prenup photoshoot.

Ayon sa aktres, si Chiz ang nagsilbi niyang inspirasyon at ito ang nagturo sa kanya ng maraming bagay about love and life.

“You are the light of my life, my mentor, my inspiration the only one who made me feel so much love.  I am who I am today all because of you... I can’t thank God enough for giving you to me... I am blessed with having you in my life,” sabi ni Heart.

“Thank you, babe, for loving me, for teaching me to spread my wings… To many more beautiful years together, my darling. Cheers to today and forever… Happy anniversary,” bati ng aktres sa kanyang other half.

Nitong weekend ay nauna nang nag-celebrate sina Heart at Chiz ng Valentine’s Day, birthday ni Heart at ng kanilang wedding anniversary sa Sorsogon kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

 Hindi nga raw napigilan ni Heart ang maluha dahil sa warm welcome at surprise ng mga taga-Sorsogon sa kanya, lalo nang pumasyal siya sa Bulusan Lake na isa sa mga paborito niyang puntahan sa tuwing uuwi siya sa Sorsogon.

Kaya nga nagtataka ang isang malapit sa asawa kung saan nanggagaling ang kuwentong kesyo nagkakalabuan daw ang dalawa.

Samantala, balik kampanya raw si Chiz at todo paglilibot sa bansa kasama ang kanyang presidential running mate na si Sen. Grace Poe na ngayon ay kumare na ng mag-asawang Dingdong and Marian Dantes.

Si Heart naman ay malapit na rin daw magsimula sa panga­ngampanya at ayon sa kanya, ay siya ang pupunta sa mga lugar na hindi mapupuntahan ng asawa.

Bukod sa kampanya, abala rin kasi si Heart sa kanyang pagpipinta.

Bukod sa katatapos na painting exhibit at benefit fashion show nila ng designer na si Mark Bumgarner kung saan pinintahan niya ang mga gawa ng designer na gown na naging controversial pa nga nang parehong isuot nina Carla Abellana and Maine Mendoza ang isa sa mga ‘yun, nagpipinta rin siya ng mga bag na Hermes. Pero ayon sa naunang interview kay Heart, tatapusin muna niya ang mga nauna na niyang natanggap na mga Hermes bag at titigil muna siya. Next year na raw uli siya tatanggap dahil matrabaho rin at natatambakan siya. Aminado siyang malaki ang kita sa pagpipinta ng Hermes bag. Kabi-kabila rin ang endorsements niya lately.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: