PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AiAi nagpakilalang si Vilma Santos sa sosyal na bagets

In fairness to me, dumalo ako sa church wedding nina Pauleen Luna at Vic Sotto noong Sabado. Nag-stay din ako sa wedding reception nila kaya hindi ko na-miss ang mga sidelight at highlight ng wedding of the year sa showbiz.

Witness ako sa isang yaya na nag-request kay AiAi delas Alas na magpakuha sila ng litrato para may souvenir siya. Kasama ni yaya ang kanyang bagets na alaga na buong ningning na nagtanong ng “Who is she ba?”

Hindi nainsulto si AiAi sa inosenteng tanong ng bagets na hindi pa pamilyar sa mga artista. Kung buong ningning ang pagtatanong ng bagets, buong ningning din ang sagot ni AiAi ng “I am Vilma Santos!”

Wala nang follow-up question ang alaga ni Yayabels na naniwala yata na talagang ang Star for All Seasons ang kaharap niya.

Matapos ‘paglaruan’ Eugene malaki ang hinanakit kay Jose

Haharap si Eugene Domingo sa entertainment press dahil malapit nang magsimula ang bagong programa niya sa GMA 7, ang Dear Uge.

Matagal na hindi nakakuwentuhan si Eugene ng mga reporter kaya naipon ang maraming tanong na nangangailangan ng tumpak na kasagutan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Una, ano ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Jose Manalo sa Celebrity Bluff na naging ugat para mabuwag ang kanilang JoGe loveteam.

Pangalawa, true ba na na-deve­lop ang feelings niya para kay Jose as in na in love siya dahil sa madalas na panunukso sa kanila?

Pangatlo, totoo ba na lumawak na ang gap nila ni Jose kaya malabo nang bumalik ang dating closeness nila? May tsismis kasi na nasaktan nang husto si Eugene sa mga joke tungkol sa kanya na binitiwan ni Jose sa isang episode ng Sugod Bahay ng Eat Bulaga.

Sinasagot ni Eugene ang lahat ng mga question sa kanya sa mga presscon kaya hoping ang mga reporter na sasabihin niya ang the truth and nothing but sa press launch ng Dear Uge tungkol sa alleged feud nila ni Jose.

JM kailangan ng pang-unawa

Kung sino ang wala, siya ang pinag-usapan kahapon sa presscon ng Tandem at si JM de Guzman ang tinutukoy ko.

Isa si JM sa mga bida ng coming soon indie movie ng Quantum Films, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.

Hindi umapir si JM sa presscon ng Tandem dahil knows nating lahat ang mga pinagdaraanan niya.

Marami ang nanghihinayang kay JM dahil magaling ito na aktor kaya hoping ang fans and supporters niya na makakabalik siya sa showbiz.

May puwang sa industriya ang mga mahuhusay na artista na tulad ni JM pero dapat na ipakita nito na deserving siya sa second chance na ibibigay sa kanya kapag naging maayos na ang kalagayan niya.

Magkapatid ang role nina JM at Nico Antonio sa Tandem. Silang dalawa ang madalas na magkasama sa mga eksena at walang napansin na kakaiba si Nico habang ginagawa nila ang indie movie na nagbigay kay JM ng best actor award sa New Wave Section ng isang film festival.

Ang sey ni Nico, naging smooth ang shooting ng Tandem dahil propesyonal na katrabaho si JM.

Si King Palisoc ang direktor ng Tandem at puring-puri rin niya ang professionalism ni JM.

Pang-unawa at suporta ang kailangan ngayon ni JM dahil siya lamang ang nakakaalam at nakakaramdam ng bigat ng kanyang mga pinagdaraanan. Hindi dapat hinuhusgahan ang mga kagaya nila ni Jiro Manio at ng ibang mga aktor na nawalan ng kontrol sa sarili.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: