PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel umamin na sa pinagdaraanan nila ni Luis!

May bulung-bulungan ngayon na nagkahiwalay nang muli diumano sina Angel Locsin at Luis Manzano pagkatapos ng kanilang bakasyon sa Amerika kamakailan.

Naging kontrobersyal ang pag-iyak ni Angel noong Linggo ng gabi sa Pilipinas Got Ta­lent season 5 kung saan ay host naman si Luis. “A­yoko talaga umiyak doon eh kaya lang na­dala ako ng emotion. Kasi ‘yung contestant natin, ‘yung Power Duo, ibang klase ang ipinakita nilang performance. Na-touch ako, merong something sa puso ko na na-trigger nila,” makahulugang pahayag ni Angel.

Samantala, patuloy na pinipilahan ngayon sa mga sinehan ang pelikulang Everything About Her na pinagbibidahan nina Angel, Xian Lim, at Vilma Santos.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ni Angel dahil sa magandang feedback na naririnig ng dalaga tungkol sa nasabing proyekto. “Hindi pa rin po ako maka-recover sa sobrang kaba ko, excitement eh. I’m very happy na mukhang nagustuhan naman, happy naman tayo lahat. I’m just very happy na naging parte ako ng pelikulang ito. Hindi ko ito makakalimutan,” nakangiting pahayag ng aktres.

Dumalo noong Martes si Luis sa premiere night ng pelikula.

Isabelle handa nang maging misis

Masaya ang relasyon ni Isabelle Daza sa kanyang foreigner boyfriend. Ayon sa aktres ay naka­handa na rin siyang magpakasal ngayong taon kung magpo-propose na ang kasintahan. “Well, I’m for­cing him to get engaged na, I’m kidding,” natatawang bungad ni Isabelle.

“That’s what I keep telling them. So hopefully this year it will happen. Both or ang engagement ‘di ba?” pahayag ng aktres.

Okay lamang daw kay Isabelle kung saan man gusto siyang pakasalan ng binata. “Kahit saan. I don’t have a destination in mind or anything. ‘Wag naman may work pa ‘di ba? Tubig at Langis Muna, mga December gano’n,” giit ng dalaga.

Makakasama ni Isabelle sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo bilang mga pangunahing bida ng teleseryeng Tubig at Langis.

Pinaghandaan talaga ni Isabelle ang kanyang bagong karakter bilang isang probinsyana rito. “Nag-workshop ako, tapos tinulungan din ako ni direk na umasta na taga-probinsya. Gina-guide naman kami ng mga co-actors ko and of course the directors. Parang mga simpleng duster ‘yung mga outfit ko rito, mga kamison gano’n,” pagbabahagi ni Isabelle.

Kung sakaling magpapakasal ngayong taon ay wala raw magiging problema sa inang si Gloria Diaz. “I hope so. Kawawa naman ‘yung boyfriend ko if he’s to ask my mom ‘di ba? Pwede rin, it’s a nice tradition,” nakangiting pahayag ng dalaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: