PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Edu ‘di makapaniwala sa nangyari kina Luis at Angel

MANILA, Philippines – Oh oh walang kamalay-malay si Edu Manzano na hiwalay na sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Ayon sa TV host/actor na kandidatong senador, nang ta­nungin ko kung napansin niya bang may problema ang dalawa nang makasama niyang magbakasyon sa Ame­rika, na-shock siya da­hil wala siyang ka-inkling inkling na may problema ang magkarelasyon. “Totoo ba ‘yan. Sorry talaga Salvs wala akong alam. Teka aalamin ko,” sabi ni Doods.

“Ang saya pa nilang nanood ng UFC. They’re so in love, ang saya-saya nila. Pero nauna silang umuwi. December 22, parang nandito na sila. Ako kasi after Christmas na bumalik,” kuwento ni Edu na abala sa pag-iikot sa mga probinsiya at TV and radio guestings.

Obviously hindi nga nagsabi ni Luis kay Edu ng hiwalayan nila ni Angel. Kasama nilang nagbakasyon sa Amerika ang dalawa pang anak ni Edu na sina Enzo at Adi.

Pia ramdam na papasa ring Miss U si Liza

Interesado kaya si Liza Soberano na maging beauty queen?

Nang may magtanong kasi kay Miss Universe Pia Wurtzbach kung sino ang puwedeng maging Miss U tulad niya, si Liza ang binanggit niya.

Nagkaroon ng Q&A kahapon si Pia sa kanyang Twitter followers at isa sa mga natanong ay kung sino sa local celeb ang pakiramdam niya ay puwedeng sumunod sa yapak niya.   

Sinabi rin ni Pia na payag siyang maging Darna.                                 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: