PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Angel pumiyok sa pamamanhikan ni Luis!

Angel

Taong 2013 pa huling napanood sa pelikula ang Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos sa pamamagitan ng award-winning indie movie na Ekstra (The Bit Player) kaya sabik ang mga tagahanga ng ina ni Luis Manzano.

Ang Everything About Her under Star Cine­ma ang opening salvo ng Star Cinema para sa taong 2016.

Kahit minsanan lamang gumawa ng pelikula si Gov. Vi, she makes it a point na de kalidad ang proyektong gagawin niya at pag-uusapan ng publiko.

Kakaibang role ang ginampanan ni Gov. Vi sa pelikula at proud siya na gina­wa niya ito dahil first time rin niyang gumanap sa ganitong kakaiba at challen­ging role.

Of course, malaking bagay din para kay Gov. Vi na makatrabaho niya ang nobya ng kanyang pa­­nganay na isa ring mahusay na artista.

Sa trailer pa lamang ng Everything About Her ay marami na ang nai-excite na ito’y mapanood sa big screen simula sa January 27.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, personal na pinabulaanan ni Angel Aquino na nagkaroon na ng “pamanhikan” sa pagitan ng pamilya ni Luis at sa kanyang pamilya just because nakita nilang nagkasama-sama sa isang okasyon si Angel at ang kanyang ama at pamilya ni Luis. Hindi rin nagbigay ng detalye si Angel kung may balak na ba sila ni Luis na lumagay sa tahimik sa malapit na hinaharap.

Pasiyam kay Kuya Germs star studded!

Star-studded ang ika-9th day death anniversary ng namayapang Master Showman si German “Kuya Germs” Moreno na ginanap sa Sampaguita Gardens last Sunday, na inorganisa ni Manay Ichu Maceda and her siblings.

Si dating Unang Ginang at Rep. Imelda Ro­mual­­dez-Marcos ang nanguna sa mga duma­long bi­sita na dinaluhan din ng mga Sampagui­ta Stars na pina­ngunahan mismo ni Gloria Ro­me­ro. Du­mating din ang mag-asawang sina Sen. Tito Sotto and wife Helen Gamboa-Sotto, ang mag­kapa­tid na Vina Morales at Shaina Mag­da­yao, ang mga executive ng GMA na pinangunahan mismo ni Mr. Me­nardo Jimenez, ang choreographer na si Geleen Euge­nio, ang mga dating alaga ni Ku­ya Germs sa That’s En­tertainment at maging sa kanyang mga anak-anakan sa Walang Tulugan with the Master Showman, ang mag-inang Lala Aunor at Marion Aunor.Namataan din namin doon si da­ting Sen. Ernesto Ma­ceda, ang Eat Bula­ga lady boss na si Malou Choa-Fagar at marami pang iba. Nagpaunlak din ng mga madamdaming awitin sina Dulce at Vina Morales at kumanta naman ng acapella si Madam Imelda ng kanyang paboriting awiting Dahil sa Iyo.

Naging masaya ang pagtitipon na sinimulan ng 5:00 p.m. mass.

Xian nakiusap na huwag ​husgahan agad ang kanyang akting

Naging emotional si Xian Lim sa presscon ng Everything About Her na pinagsasamahan nila nina Gov. Vilma Santos at Angel Locsin mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal under Star Cinema dahil sa mga namba-bash sa kanya at sa kanyang kredibilidad na mapasama sa isang pelikula ng Star For All Seasons.

Humingi si Xian ng pang-unawa na bigyan naman siya ng pagkakataon na maipamalas ang kaya niyang gawin at nagpapasalamat siya kina Gov.Vi at Angel at maging kay Direk Joyce at sa Star Cinema sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Ipinagtanggol din siya nina Gov. Vi, Angel, at Direk Joyce dahil nagawa nito ang hinihingi sa kanya bilang isang actor.

Ang Everything About Her ay first movie ni Xian na hindi niya kasama ang kanyang perennial screen partner na si Kim Chiu.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: