PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kahit first time nagkatrabaho Luis at Angel galit-galit muna

Sina Luis Manzano at Billy Crawford pa rin ang magiging hosts ng Pilipinas Got Talent para sa season 5 nitong magsisimula na sa January 23.

Masayang-masaya si Luis dahil mu­ling makakasama si Billy sa nasabing reality show. “He’s my brother from another mother and the fact na magkakatrabaho ulit kami and considering ang mga nagawa na namin before, I’m very happy that I get to spend time with my brother Billy,” nakangiting pahayag ni Luis.

Ngayon ay isa ang kasintahang si Angel Locsin sa apat na hurado ng PGT. Ngayon lang magkakasama sina Luis at Angel sa programang ito kaya kinakailangan daw nilang maging propesyonal. “We still have to be professionals. First and foremost we have to be professionals at nagkataon na pinili talaga kami to work with each other. So besides the relationship or anything else we’re professionals,” paliwanag ni Luis.

Hanggang maaari ay hindi raw dapat magpakilig para sa kanilang mga tagahanga ang magkasintahan sa kanilang programa. “We don’t want to take away the spotlight from the contestants. I guess that’s the proper thing na sila dapat ang bumida dito at hindi ang relationship namin sa isa’t isa. Pinaghirapan nila ‘to, sila ang bida,” giit ng aktor.

Arci excited kay Gerald

Noong Martes ay nagdiwang ng kanyang ika-26 na kaarawan si Arci Muñoz. Nakatakdang magbida sa isang pelikula ang aktres kaya maituturing daw niya itong isang magandang regalo. “Napakagandang birthday gift po ito sa akin. I don’t usually celebrate my birthday, pero I’m really happy that in the first few weeks of the year, there was good news right away. Tapos napakagandang blessing and regalo talaga ni Lord ‘yung movie and it’s my first movie. So I’m really happy and thankful,” bungad ni Arci.

Si Gerald Anderson ang makakatambal ng dalaga sa bagong pelikula. Ito ang kauna-unahang proyekto na kanilang pagsasamahan kaya excited na si Arci para dito. “I’m really excited and it’s a very overwhelming feeling since it’s going to be my first movie. So I’m really thankful sa opportunity that they gave me and I’m just excited to work with Gerald. And he’s my dad’s favorite (actor). So when I told my dad he was really happy. He was really excited for me also,” pagbabahagi ng aktres.

Nagkita at nagkakilala na sina Arci at Gerald kamakailan para sa kanilang pelikulang gagawin. “I was able to talk to him. I only see him during ASAP and then siyempre Gerald Anderson ‘yan. Pero you can see it in him na he’s very cool. Mukha naman siyang mabait and he’s very approachable. And ‘yun naman ‘yung napatunayan ko when I met him, I was able to talk to him easily,” kwento ng dalaga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: